TALAGANG hindi na nagiging epektib ang isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) kapag masyado nang nagtatagal sa kanyang pwesto.
Gaya na lang d’yan sa Parañaque Baclaran PCP na pinamumunuan ni Chief Insp. Rollyfer Capoquian.
Aba, nagtataka tayo kung bakit kung kailan siya tumagal ng mahigit dalawang taon at overstaying na nga ‘e saka lalong naging talamak ang video karera, bookies, jueteng, snatching at maging ang droga ay naging talamak.
Isama na rin diyan ang mga illegal terminal at kotong sa vendors.
Aba, Major Capoquian, masyado ka na yatang naging at home sa iyong pwesto at parang ayaw mo nang maiba pa ng pwesto at lugar.
Okey lang sana kung napapanatili mo ang peace and order ‘e ang problema nga lalo yatang naging talamak ang kriminalidad, iba’t ibang operasyon ng sugal-lupa, video karera at jueteng.
‘E ano ba talaga ang ginagawa mo?!
O baka naman nababagot ka na d’yan sa pwesto mo?!
SILG Mar Roxas, pwede na raw kandidato itong si Major Capoquian sa bagong programa niyong lifestyle check sa mga pulis?! Sampolan mo na nga.
Parañaque PNP Chief S/Supt. Ariel Andrade, mukhang paborito n’yo masyado si Major?
Mahusay ho bang mag-deliver?
Nagtatanong lang po!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com