WEEE?! Hindi nga, Mr. President?!
E ‘di ba lahat ng gustong mamalagi sa posisyon, ganyan ang sinasabi?!
Isa pa, bakit naman sa 2nd term (kung makalulusot?) pa? Bakit hindi mo lubusin ang ‘tiwalang’ ibinigay sa iyo ng sambayan?!
NOW NA!
Anim na taon kang umupo bilang Pangulo, na walang naramdaman ‘yung mga kababayan natin na nabubuhay below poverty level, tapos gusto mo pa ng 2nd term?!
SONABAGAN!
Saan ka nanghihiram ng kapal ng mukha Mr. President?!
Ang dami ngang nagsasabi mas mabuti pa nga raw kung si Gibo o si Villar ang naging presidente baka gumaan pa ang buhay kahit paano.
Tapos gusto pa ng 2nd term?!
Aba magpahinga ka naman, Your Excellency.
Baka naman matulad ka na lang kina Lito Lapid, Bong Revilla, Jinggoy, Kiko at iba pang hanggang ngayon ay nasa pwesto pero pawang kwestiyonable ang pinaggagagawa sa gobyerno.
Six years is enough if you did it right.
Pahinga ka na PNoy, sabi ng mga ‘BOSS’ mong lalong naging busabos sa termino mo.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com