ALAM ba ninyo mga suki, may isang mambabatas at isang anak na iisa ang sinasawsawang chika babes?
Batay sa info na ipinarating sa atin ng ating urot sa Kongreso, hindi alam ng anak ng mambabatas na sinasalisihan siya ng kanyang ama sa kanyang jowa.
Ang siste pala diniskartehan din ng mambabatas ang s’yota ng kanyang anak.
Obvious na obvious na nga ang relasyon ng mambabatas at ang unofficial daughter-in-law dahil sa tuwing magkasama sila ay malagkit pa sa kalamay ang tinginan ng dalawa sa isa’t isa.
Hindi lang natin alam kung ito ba ay alam ng sonabagan ‘este’ anak ng mambabatas o pikit-mata lamang siya dahil bukod sa mahal niya ang kanyang ama ay mahal din niya ang naturang chika babes.
Noong una, akala nga ng ating Bulabog surot ay anak din ng mambabatas ang naturang babae dahil sa public display of sweetness sa isa’t isa na animo’y parang mag-ama.
Ang yapos kasi, beso-beso at lambingan ng dalawa ay dinaig pa ang langgam na laging gusto ay dumikit sa matatamis na pagkain.
Ang ipinagtataka lang ng ating bulabog surot ay guwapo, makinis, mestizo at pormang artista naman daw ang anak ng mambabatas kung kaya’t nagtataka siya kung bakit hindi na lamang mag-give way ang anak kay Daddy na ma-elya sa kanyang jowa.
Mukhang kakaiba ang performance no’ng chika babes ‘di ba?
Mukhang excited na kayong malaman kung sino ang subject natin na mambubutas ‘este’ mambabatas?
Kabilang siya sa mababang kapulungan ng kongreso at ang kanyang pangalan ay may letrang I as in impeachment.
Getz na ba n’yo!?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com