SIR malala na po ang bentahan ng abortion pills sa sakop ng Plaza Miranda PCP at ang protector ay isang pulis nagpapakilalang pamangkin ni Manila Police Distrector Rolando Asuncion.
Lahat ng ambulant vendor ng kandila, Sampaguita, herbal, rebulto ng Sto. Niño at Nazareno ay obligado silang magtarya kay alyas PO3 ASU na bagman ng PCP Plaza Miranda.
Alam mo Sir Jerry, kaya po kami suma-sideline ng pagtutulak ng CYTOTEC ay para hindi po kami maka-absent ng timbre sa Plaza Miranda PCP.
Mabigat na po ang lingguhang intelihensiya namin kay PO3 Asu kada isang vendor ay umaabot po ng P1,000 kada linggo hindi pa kasali ang activities nila na P200 peso kada vendor.
At hindi pa kasali ang pagkain nila sa Plaza Moranda PCP na araw-araw P100 peso kada isang vendor ang ngbabayad.
Ang Plaza Miranda po ngayon ay isa ng maituturing na ABORTION CAPITAL at hinuhuli lang ng mga tauhan ni ANICETE ay ‘yung hindi nagbibigay ng lingguhan timbre .
At ginagawa nila Asset at taga-bili ng CYTOTEC ay ang mga pick up girl sa kahabaan ng Rizal Avenue Sta Cruz, Maynila.
Umaayon lang ang mga Pokpok sa gusto ng mga tauhan ni ANICETE upang hindi sila bulabugin ang kanilang pagbebenta ng aliw.Sana malaman na ni Sec. Mar Roxas ang nangyayaring masama dto. Gumagalang Quiapo Vendor
– llamas——@yahoo.com
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com