Malakas ang bulungan ngayon sa MPD HQ, kung sino ang matikas na magwawagi bilang bagong ENCARGADO/BAGMAN ng MPD STATION 11.
Ito ay makaraang sibakin sa pwesto ang isang Kernel FRANCISCO at ang ipinalit ay isang Kernel rin mula sa NCRPO-PIO.
Ilang hepe na rin ang nagpapalit-palit sa PRESINTO ONSE na isang very juicy post sa MPD pero hindi nawala sa kamay ng isang alias TATA BONG CRUS ang pangkabuhayan kolek-tong showcase sa nasabing AOR.
Ngayon isa na namang kernel ang pumasok na hepe ng ONSE sa katauhan ni Supt. ROBERTO DOMINGO na dati na rin napwesto sa ilang juicy PCP sa Maynila.
Ang bwenas mo naman Sir!
Kaya naman inaabangan ng mga pulis-Maynila kung patuloy pa rin na hahawakan ni bagman BONG CRUS ang ‘parating’ sa ONSE.
Baka raw masilat at masulot siya ng mga tuta ‘este bata na mas malapit kay KERNEL DOMENG gaya ng kumpare nilang si alias TATA CLYDE, PIO o si PAPA.
Kunsabagay, hindi na raw kailangan ni Kernel Domeng ang lalim at serbisyo ni bagman BONG CRUS sa kolektong dahil kapado na niya ang kalakaran at tarahan sa AOR ng PS-11?
Dati palang deputado ng nasabing presinto si Kernel Domeng at siyang may ng JUAN LUNA PCP na isa sa pinagkukuhaan ng malaking ‘grasya’ ng Presinto 11?!
By the way, marami taga-MPD ang humihiling na palitan na si bagman Tata Bong Krus sa kolektong ng opisina ninyo.
Marami raw kasing binukulan! Ikaw rin … mahirap magsuot ng helmet ‘di ba!?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com