Thursday , January 8 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Live-in partners patay sa ambush

LAOAG CITY – Kapwa patay ang mag-live-in partner makaraan tambangan kamakalawa ng hapon sa Brgy. Caringquing, bayan ng Solsona.

Kinilala ang mga biktimang sina Owen Cariaga, residente ng Brgy. Juan ng nasabing bayan; at si Regelyn Ruiz, tubong Brgy. Manalpac, tinamaan ng bala ng M16 sa kanilang ulo.

Ayon kay Senior Insp. Leonardo Tolentino, chief of police ng nasabing bayan, mayroon na silang anggulong pinag-aaralan sa naturang insidente ngunit tumanggi pang magbigay ng detalye upang hindi maapektohan ang pagsisiyasat.

Ani Tolentino, nangyari ang pananambang habang nakasakay ang mga biktima sa tig-isang motorsiklo at angkas ang tig-isa nilang anak.

Sa teorya ng pulisya, maaaring hinintay ng mga suspek ang mag-live-in sa paanan ng bundok.

Maswerteng hindi tinamaan ang mga batang angkas ng mga biktima.

(BETH JULIAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

explosion Explode

Kabahayan, mga bus nasira dahil sa pagsabog ng ‘deadly firecracker’; 4 timbog, 1 pa pinaghahanap sa Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Enero, ang apat na kalalakihan habang hinahanap ang …

Lunod, Drown

Lalaki nalunod noong bisperas ng Bagong Taon, Katawan natagpuan makalipas ang 2 araw

MATAPOS ang dalawang araw na paghahanap, natagpuan na ang bangkay ng isang lalaking pinaniniwalaang nalunod …