AKALA natin sikat lang bilang TOURIST DESTINATION ang area of responsibility ng Manila Police District Ermita Station (PS5).
Supposedly, ang MPD-PS-5 ang ‘peacekeepers’ sa Paco, Ermita, Intramuros at Port Area.
‘Yan ang mga lugar na nasa ilalim ng kanilang responsibilidad para panatilihin ang peace and order.
Pero mukhang kakaibang klase ng ‘order’ ang ipinatutupad ng estasyon na pinamumunuan ni P/Supt. Romeo Macapaz.
Order of illegal gambling gaya ng BOOKIES na mahigpit na sinusubaybayn ng isang beteranong bagman na si alias SPO2-10 CALOYSKI ng PS-5.
Kaya naman pala hindi nag-i-effort ang PS-5 na patigilin ang operasyon ng BOOKIES ng maintainer na si Koyang d’yan sa harap ng Philippine National Red Cross sa Port Area.
Hindi lang sa Port Area.
Sa kabuuan ng hurisdiksiyon ng SINGKO, hindi bababa sa 50 butas ang pwesto ni Koyang sa Paco, San Andres at Pandacan.
Kaya hindi umano nakapagtataka kung bakit mahigpit ang monitoring na ginagawa ni SPO2-10 Caloyski.
Hindi lang BOOKIES, namamayagpag din ang video karera sa Baseco at San Andres na hawak ng mag-asawang Gina at Romy Gutierrez.
Hindi na tayo nagtataka kung bakit TALAMAK ang holdapan sa AOR ng MPD PS5.
Doon kasi sila nakatanghod sa mga 1602 na pinababantayan ni SPO2-10 Caloyski.
O kaya naman doon sila nagtatambakan sa Finance Road at sa Round Table para iimbudo ang mga sinisita nilang naka-matorosiklo na nagiging dahilan din ng grabeng traffic obstruction.
Aba, KERNEL MACAPAZ, alam mo ba talaga alam kung ano ang pinaggagawa ng mga pulis mo?!
Hindi ko alam kung nabubukulan ka ba o kasama ka na rin sa nagkakaalaman?!
Aba’y pinagtatawanan na kayo ng mga holdaper diyan sa tapat mismo ng City Hall!
UMAKSIYON ka naman Kernel Macapaz!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com