Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Trike driver ‘tagumpay’ sa ikalawang pagbibigti

LAWIT ang dila, halos nangingitim na ang mukha ng 27-anyos na trike driver nang matagpuang nakabigti sa kusina ng kanilang kapitbahay sa President Roxas, Capiz.

Tumambad kay Edna Bendicio, kasambahay, ang nakabigting bangkay ng biktimang si Policarpio Buenavenida, sa kusina ng bahay ng amo na si Wilinito Enate, sa Elizalde St., barangay Poblacion.

Sa imbestigasyon ni PO3 Rez Bernardez, ng President Roxas Police Station, ikalawang beses nang nagpakamatay ang biktima pero naaagapan ng kanyang mga kaanak hanggang maisakatuparan kahapon.

Pahayag ng ina ng biktima, mahigpit nilang binabantayan ang biktima sapol nang unang magtangkang magpakamatay dahil sa depresyon, pero nagtaka sila kung bakit nakapuslit sa kanila.

Ayon sa ina ng biktima, umalis siya ng bahay, posibleng nagkaroon ng pagkakataon ang anak na makalabas ng kuwarto kaya nang makapunta sa kusina ng kapitbahay ay doon niya isinagawa ang pagbibigti gamit ang nylon cord.

(BETH JULIAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …