Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nagbirong nalulunod tinedyer natuluyan sa Manila Bay

090114 manila bay lunod

MAKARAAN magbirong nalulunod, natuluyan ang isang 17-anyos estudyante habang naliligo sa Manila Bay kasama ang 12 kabataan kahapon ng umaga sa Maynila.

Patay na bago idating sa Ospital ng Maynila (OSMA) ang biktimang si Marvin Cuaresma, 17, ng 1421 P. Guevarra St., Sta. Cruz, Maynila.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Jonathan Bautista, ng Manila Police District-Homicide Section (MPD-HS), dakong 7:30 a.m., nang mangyari ang insidente sa tabi ng Manila Ocean Park.

Pahayag ng apat sa kasama ng biktima, nagkayayaan sila magpunta at maligo sa Manila Bay bandang 3:00 a.m.

Sa simula, ilang beses sumigaw ang biktima na siya ay nalulunod, nang sagipin ng mga kasama ay inamin na nagbibiro lamang siya.

Ilang minuto ang nakalipas, muling sumigaw ang biktima ng saklolo pero hindi pinansin ng mga kasama sa pag-aakalang nagbibiro pa rin, hanggang tuluyang lamunin ng dagat.

Isang diver na kinilalang si William dela Cruz, ang nilapitan para humingi tulong ng mga kaibigang sina Jerico del Rosario, Jun Adrian Ortiz at Russel Talavares, ang sumisid sa dagat kaya naiahon ang katawan mula sa ilalim. (LEONARD BASILIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …