Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mahirap kalaban si PNoy!

00 BANAT alvin

Mukhang may ugali si Pangulong Noynoy Aquino na hindi nagpapatalo.

Ito ang kitang-kita sa kanyang inaasal sa nga-yon lalo na’t kaliwa’t kanan na ang upak sa kanya ng iba’t ibang sektor na dati rin niyang nakasama at kakampi noong 2010 election.

Ayaw ni PNoy na nasosopla siya o napapahiya sa madla kaya’t ang palagian niyang ginagawa ay binabalikan niya ang kanyang mga kaibayo maging ito ay sa politika man o sa ibang parte ng kanyang pang-araw-araw na buhay.

Kitang-kita ang ginawa niyang pag-alma sa Korte Suprema at iyan daw ang rason ng Pangulo para amyendahan ang Saligang Batas ng bansa.

Pumalag naman ang IBP o Integrated Bar of the Philippines na may 55,000 miyembrong abogado sa posisyong ito ni PNoy kaya’t umasa tayong lalong ipipilit ng anak ni Tita Cory ang pag-amyenda sa Konstitusyon para mahawakan sa leeg o makontrol ang Kataas-taasang Hukuman.

Sa maikling salita, ang gusto ni PNoy na lahat ng kanyang gustong gawin at sabihin ay aayunan ng lahat kaya’t ito ang lubhang nakatatakot dahil posibleng mapunta tayo sa panahon ng diktatur-ya.

Ayaw nina Ninoy at Cory ang palakad ni Marcos noong dahil diktador daw pero kitang-kita sa kanyang anak na si PNoy kung paano inaaplay sa kasalukuyan.

Kapag kontra nang kontra sa kanyang pamamalakad ay peke kang reformist at kalaban ka na ng estado pero kapag sumasang-ayon ka sa kanyang mga gusto ay good na good kayo.

Nasa demoksrasya ang ‘Pinas dahil ito ang gusto ng tao kaya’t dito dapat sumunod si PNoy dahil ang nasabing Saligang Batas ng bansa ang sinu-nod ng mga nakaraang pangulo na naging magalang sa Konstitusyon na ginawa noong panahon ng kanyang inang si Cory Aquino.

Alvin Feliciano

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alvin Feliciano

Check Also

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

Araneta City

Christmas Happenings in Araneta City (Dec. 18 to 24, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …