Monday , December 23 2024

Credentials ng Pasay City PIO may malaking butas

00 Bulabugin jerry yap jsyMARAMING concerned Pasayeños at city hall employees ang nakahunatahan natin kamakailan.

Nag-aalala sila para kay Pasay City Mayor Tony Calixto, na kinikilalang Liberal Party stalwart sa lungsod.

Ibig sabihin, inaasahan ng Liberal Party si Mayor Calixto na siyang magbabandila ng kanilang Partido sa Pasay City.

Pero duda sila na baka masilat sa mga susunod na panahon ang alkalde lalo pa’t papalapit na ang eleksiyon sa 2016 dahil sa isang personahe na nasa kanyang kampo ngayon.

‘Yan daw ‘yung bagong public information officer (PIO) na isang CHRISTIAN R. CARDIENTE.

Si Cardiente, ayon sa mga kahuntahan natin ay hindi taga-Pasay City pero gumamit siya ng address na No. 6 Caravelle St., Don Carlos Village, NAIA, Pasay City.

Kanilang natuklasan na si Cardiente ay taga-Las Piñas City pala. Ang huling address niya sa kanyang mga opisyal na dokumento ay No. 39, 5th St., Aguilar Compound, BFRV, Las Piñas City.

Lalong hindi siya botante sa Pasay City, malinaw ‘yan sa kanyang pinakahuling Comelec records.

Hindi journalism o mass communication ang kanyang kurso at lalong wala siyang practice bilang journalist.

Nakilala ang pangalan ni Cardiente nang bansagan niya si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ng “NOYNOYING” sa kanyang column sa Manila Standard Today noong Oktubre 8, 2011.

Hindi lang umano critic ni PNoy si Cardiente kundi kilalang media operator na tinutustusan ng mga kritiko ni Pnoy!?

Sa ilalim ng Local Code of the Philippines, ang public information officer ay may tungkulin na magbigay ng impormasyon at manaliksik ng mga datos na kinakailangan para sa paghahatid ng batayang serbisyo at probisyon ng sapat na pasilidad upang mabatid ito ng mamamayan nang kanilang lubusang mapakinabangan.

Isa lang ‘yan sa mga tungkulin ng PIO, kaya malaki ang pangangailangan na lokal sa isang lugar ang ilagay sa ganitong pwesto lalo na ‘yung mga tubo o taal talaga dahil kabisado nila ang kanilang siyudad.

Ang mga batayang impormasyon na nakalap ng isang PIO ang makatutulong nang malaki para maging makatotohanan at maramdaman ng constituents ang serbisyo ng local government unit (LGU).

Malinaw pa sa liwanag ng buwan na si Cardiente ay ‘in bad faith’ sa pagdedeklara ng mga datos tungkol sa kanyang tunay na pagkatao.

Mayor Tony Calilxto, Sir, tayo naman ay nagmamalasakit lang po sa inyo at sa inyong constituents, ano ang mahihita ng lungsod ninyo sa isang public information officer na hindi marunong maglahad ng katotohanan?!

Palagay ko’y alam na ninyo ang kasagutan.

NACIONALISTA PARTY PUMIPIKTYUR NA KAY BINAY?

NAGULAT tayo nang biglang lumutang si Cavite Governor Jonvic Remulla bilang spokesperson ni Vice President Jejomar Binay.

Biglang-bigla ‘e naging spokesperson siya ng mga Binay kasangga si Mayor Toby Tiangco of Navotas.

Sinabi ni Remulla na ang kanyang pagiging spokesperson ni VP Binay ay may basbas mula kay NP bossing dating Senador Manny Villar …

‘E hindi ba ang umuusig sa mga Binay sa isyung overpricing ng Makati city hall 2 building ang mga Senador ng Nacionalista Party?

What the fact!?

Ang tanong, sa anong layunin?

Plano bang makipag-koalisyon ng NP kina Binay para tumakbong bise presidente si Sen. Manny Villar?!

Magsasanib kaya ang ‘oranges’ ng NP at ng Partido ng Masang Pilipino (PMP) sa ilalim ng kandidatura ni VP Binay?!

‘Yan ang aabangan natin!

WEEKLY GIBAAN OPERATION SA MGA VENDOR NI KERNEL GILBERT CRUZ
(Ginagamit sa kotongan)

USAP-USAPAN ngayon ng mga pobreng vendors sa Carrideo, Divisoria at Ongpin sa Maynila ang kawalanghiyaan na ginagawa sa kanila ng ilang tulisan ‘este’ pulis pala.

Ang siste matapos magsagawa ng gibaan (clearing) operation laban sa mga vendors ang mga tauhan ni MPD CDDS Kernel Gilbert Cruz may mga lumulutang na kolektong para hingian sila ng tara.

Gaya na lamang sa C.M. Recto sa Divisoria, halos linggo-linggo ay matindi ang ginagawang gibaan at hulihan na ang itinuturo madalas ng mga pulis ay utos daw ni Kernel Gilbert Cruz.

‘Yan pa ang mahigpit na bilin ng mga nagsilutang na lider cum kolektong sa vendors na sina alias “BAMBA,” kotong cop SORIANO at ALEHANDRO sa mga kawawang vendors.

Sila raw ang bahalang ‘umayos’ kay Kernel Cruz at didiskarte ng goodwill money at weekly tara para umano sa kanya.

Sabi ng tatlong kamote, wala raw kasing maliwanag na tara ang opisina ni Kernel Cruz kaya ginagawa ang linggohang gibaan ng kanilang pwesto at paninda.

Sa Carriedo, Quiapo ay ganyan din ang estilo ng ilang kotong boys na ipinadadaan naman daw sa Plaza Miranda PCP.

Sa Ongpin Chinatown, sina kotong-tandem alias TATA MOTMO at TATA OMLI na gamit rin ang pangalan ng task force Chinatown Major Rodeca at opisina ni Kernel Cruz sa pangongolektong sa vendors.

Umiikot sa tabakuhan sa Chinatown ang dalawang itlog bitbit ang pangalan mo Kernel Cruz!

Sonabagan!!!

Kernel Gilbert Cruz, hindi ako naniniwala na may basbas mo ang mga katarantaduhan ginagawa ng mga lokong ‘yan.

Pababayan mo na lang ba na gamitin nila ang pangalan mo sa pangongotong sa mga vendor!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *