WALA tayong masabi sa FULL-BLAST na operations ng JUETENG nina KENNETH INTSIK at BOLOK SANTOS sa Southern Metro Manila.
Lalo na sa area ng Parañaque at Muntinlupa cities.
Mantakin ninyong tumatabo ang jueteng operations nina KENNETH Y BOLOK sa Muntinlupa ng P500,000 at sa Parañaque ay P300,000 daily ang kobransa.
Hindi ko maintindihan kung walang alam o ayaw alamin nina Parañaque police chief, S/Supt. Ariel Andrade at Muntinlupa police chief S/Supt. Romulo Sapitula ang ‘BONGGANG’ jueteng operations nina Kenneth at Bolok sa kanilang area.
‘E noong panahon nina Munti Mayor Aldrin San Pedro at Parañaque Mayor Florencio “Jun” Bernabe, Jr., ‘e hindi ganyan katalamak ang jueteng …
Pero ngayon FULLBLAST na!
Ano bang MAGIC meron ang jueteng operations nina KENNETH INTSIK at BOLOK SANTOS?!
Paki-EXPLAIN nga SILG Mar Roxas at PNP chief, Alan Purisima?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com