BUKOD sa talamak na demonyong video karera nina alyas Rico at Jonie Floodway ay pasok na rin sa lalawigan ng Rizal ang illegal na JUETENG na nasa ilalim ng “Bingo Milyonaryo” na ‘timbrado’ umano sa Governor’s Squad.
Sa bayan ng Pililla Rizal, nagkalat sa ilang barangay ang hindi kukulangin sa 40 VK devil machines partikular sa Barangay Wawa at hari naman ng salot na VK machine sa bayan ng Cainta at Taytay ay si alyas Jonie kamote.
Hawak naman ng isang alyas BOY CAMACHO, na nagpapakilalang batang Malakanyang Boy ang lantaran na operasyon na ang front ay “Bingo Milyonaryo” na kombinasyon ay JUETENG na may tatlong bola kada araw.
Ayon sa insider ng Kapitolyo ng Rizal na pinamumunuan ni Gov. Nene Ynares, lahat daw ng illegal na operasyon ng illegal na sugal o video karera ay may linggohang timbre na sa Governor’s Squad.
What the fact!?
Kontrolado rin umano ng grupong tulisan sa Kapitolyo ang tanggapan ni Rizal PNP Provincial Director P/SSupt. BERNABE BALBA at mga Chief of Police kaya’t malaya at garapalan ang operasyon ngayon ng salot na video karera at jueteng.
Kaya malakas daw ang loob na ipagyabang nina Rico tado at Jonie kamote, na mayroon silang linggohang timbre sa lahat ng PNP unit, Rizal-CIDG at pader daw ang sinasandalan nila sa Governor’s Squad sa garapalang 1602 operation nila.
By the way, SILG Mar Roxas,sa bayan ng Pililla ay pumapalo umano ang timbrehan ng P150K kada linggo at sa Taytay at Cainta, ay umaabot daw sa P250K bukod pa ang P50k sa humahawak ng squad.
No wonder, everyday happy sila ngayon diyan sa Rizal!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com