Monday , December 23 2024

Tatlong itlog ng Malacañang sagutin ninyo kung bakit mas maraming tambay sa Pinas ngayon!

00 Bulabugin jerry yap jsyBATAY sa survey ng Social Weather Stations (SWS) ang 11.8 milyon na walang hanapbuhay o tambay sa ating bansa ay nadagdagdan pa ng 300,000 sa taong ito.

Ito ay mula umano doon sa mga kusang umalis sa kanilang trabaho, at sa mga nawalan o natanggal sa trabaho dahil sa pagsasara ng kanilang kompanya.

‘Yung iba ay first-time job seekers habang ang iba pa ay katatapos lamang ng kanilang pag-aaral.

Ang ipinagtataka natin, hindi man lang nagsasalita ang mga tagapagsalita ng Malacañang sa isyung ito ng lumalaking bilang ng mga tambay.

Walang kaboses-boses ang tatlong itlog este tagapagsalita ng Palasyo na sina Secretary Herminio “Sonny” kolokoy este Coloma, Jr., Secretary Edwin lamyerda este Lacierda at Madam Abigail Valte.

Ano ba ang pinagkakaabalahan ninyo?

Kung paano magkakaroon ng term extension ang boss ninyo?

‘E di ba, sabi nga ni Vice President Jejomar Binay, ‘yung mga alalay at alipores sa Malacañang ang atat na atat na magkaroon ng term extension?!

Ang tutulin magsisagot nang upakan sila ni VP Binay.

Pero itong lumalaking bilang ng mga TAMBAY ay wala man silang paliwanag?!

Ano ba talaga ang papel ninyo sa Palasyo mga kagalang-galang na tagasagot sa mga tanong ng bayan?!

Tsk tsk tsk …

Hindi na tayo nagtataka kung bakit bumagsak ang popularidad ni PNoy.

Hindi tuloy makatiis si Presidential Sister, Kris Aquino kaya sumasabat na rin.

O sige nga po, PAANO ninyo ipaliliwanag ang lumalaking bilang ng mga TAMBAY sa PINAS?!

Paki-EXPLAIN!

BULACAN PPO ‘NATUTULOG’ SA SANDAMAKMAK NA KRIMEN

ANO kaya ang ginagawa ni Bulacan Provincial Police Office (BPPO) chief, Sr/ Supt. Ferdinand Divina sa sunod-sunod na karumal-dumal na krimen na nagaganap sa kanyang area of responsibility (AOR)?!

Bago ang rape-slay ng biktimang si Anria Galang Espiritu, 26-anyos, marami pang mga kaso ng karumal-dumal na pamamaslang ang naganap sa Bulacan.

Mula sa ilegal na droga, carnap gang na nagkukuta sa probinsiya, killer tandems, pagnanakaw sa loob ng subdivision na may kasama pang rape at iba pa.

Sa lahat nang nabanggit na krimen, wala tayong naulinigan na pagkilos ng Bulacan PPO na lutasin o matunton ang mga suspek.

Kaya nagtataka tayo kung ano ang ginagawa ng acting BPPO chief …

Puro acting lang ba?! Pero walang genuine na actions?!

Ano pa kaya ang hinihintay na karumal-dumal na krimen ni KERNEL DIVINA, bago siya kumilos laban sa mga kriminal?!

O baka naman naghihintay ng ‘tunay’ na indulto?!

Kernel DIVINA, galaw-galaw para huwag kang ma-stroke!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *