Thursday , January 8 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pumalag sa holdap delivery boy hinataw sa mukha

072814 gun

SUGATAN ang isang delivery boy makaraan hatawin ng baril sa mukha ng isa sa dalawang holdaper na sakay ng motorsiklo sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Jovencio Latorza, Jr., 22, delivery boy ng Ximex Delivery Express, at residente ng Libis Canumay, Valenzuela City.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek na mabilis na tumakas.

Sa ulat nina SPO1 Jerry dela Torre at PO2 Benjamin Sy, naganap ang insidente dakong 7:50 p.m. sa Mabolo St., Brgy. Maysilo, Malabon City.

Naglalakad ang biktima sa naturang lugar nang biglang huminto sa likuran niya ang dalawang suspek na armado ng patalim at baril.

Ngunit pumalag ang biktima kaya pinalo siya ng baril sa kanyang mukha ng isa sa mga suspek at mabilis na tumakas.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

explosion Explode

Kabahayan, mga bus nasira dahil sa pagsabog ng ‘deadly firecracker’; 4 timbog, 1 pa pinaghahanap sa Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Enero, ang apat na kalalakihan habang hinahanap ang …

Lunod, Drown

Lalaki nalunod noong bisperas ng Bagong Taon, Katawan natagpuan makalipas ang 2 araw

MATAPOS ang dalawang araw na paghahanap, natagpuan na ang bangkay ng isang lalaking pinaniniwalaang nalunod …