Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Binay dapat nang magdesisyon Masyadong naninigurado si VP Jojo Binay.

00 BANAT alvin

Ito kasi ang nakikita nating laro ng ating pa-ngalawang pangulo ng bansa dahil hanggang ngayon ay wait and see pa rin siya sa laro ng Malakanyang lalo na ng Pangulong Noynoy Aquino.

Bilang pangalawang pangulo ng estado ay marapat lamang siyang makitaan ng drastikong hakbang at desisyon hinggil sa pagpapalakad ng Pangulo dahil mayroon siyang mandato at obligasyon sa taumbayan.

Sa ipinapakita kasi ng pangalawang pangulo ng bansa ay halatadong inaantay niya ang desisyon ni PNoy na may kaugnayan sa 2016 kaya naman lahat ng kanyang hakbang at pahayag ay maikokonsidera nating play safe.

Hindi na biro ang nagdaang isyu ng DAP at PDAP kaya naman hinahanapan na siya ng mamamayan.

Sinasabi niyang siya ang lider ng oposisyon pero sa ating pananaw ay malinaw na kakampi pa rin siya ng administrasyong kasalukuyan dahil wala siyang matapang na pahayag sa mga isyung nagpapahirap sa taumbayan.

Panahon na para magdesisyon si Binay dahil hindi naman deserving ang Pilipino sa ganitong lider na mistulang pinaiikot ang bayan at samba-yanan para lamang sa kanyang sariling kapaka-nan.

Ang kailangan ng bayan ay isang pinuno na may tunay na malasakit sa tao kaya’t panahon na para ipahayag ng pangalawang pangulo kung siya ba ay kaanib ng administrasyon o lider ng oposisyon.

***

Maganda ang ipinakikitang tulong ng Muntinlupa City sa pangkalahatan kapakanan ng Metro Manila.

Sila kasi ay pumayag para paglagyan ng terminal ng bus galing ng Southern Tagalog at mga bus rin na naglalagari sa EDSA.

Medyo mabigat ang magiging pasaning ito ng siyudad pero dahil nga likas na matulungin si Mayor Jaime Fresnedi ay tinanggap niya ang hamon ng bayan. ‘Yan dapat ang ugali ng pinuno ng bansa dahil ito ngayon ang kailangan ng ating bayan, hindi iyong lider na pabigat pa sa ekonomiya ng estado.

Alvin Feliciano

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alvin Feliciano

Check Also

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …