NANGUNGUNA sa Most Valuable Player statistical race si Earl Scottie Thompson ng Perpetual Help pagkatapos ng first round elimination ng 90th NCAA basketball tournament.
Paumento ang ipinakikitang laro ni 21-year old na si Thompson ngayong season kaya naman sobrang layo ang lamang niya matapos maglista ng 57 total statistical points para ungusan ang kakamping si Harold Arboleda na may 49.56 at sina Nigerian San Beda center Ola Adeogun (47pts.), Jiovani Jalalon (46.89pts.) ng Arellano University at isa pang Perpetual Help standout Juneric Baloria (43.56pts).
Tinarak ng tubong Digos, Davao del Sur Thompson ang fourth best 17.33 points, fifth-best 11 rebounds, second-best 5.56 assists at a second-best 2.11 steals para maging best individual player .
Para kay Thompson uunahin muna nitong tulungan ang Altas para makuha ang kauna-unahang NCAA championship.
“I’m focused on helping my school win an NCAA title, nothing more,” ani Thompson.
Ang mga nasa top 10 ay sina Noube Happi (43.22) ng Emilio Aguinaldo College Generals, Arthur dela Cruz (42.75) ng San Beda College Red Lions, Joseph Gabayni (41.89) ng Lyceum of the Philippines University Pirates, Dionce Holts (41.78) ng Arellano at Bradwyn Guinto (40.67) ng San Sebastian College Stags.
Samantala, nangunguna naman si John Gob ng La-Salle Greenhills sa juniors MVP race na may 56.89 points at may average 15.11 points, 17.33 boards at 2.22 blocks per game.
Sina Dennel Aguirre (Mapua), Jeszir Sison (Perpetual) at Mark dela Virgen (Jose Rizal) ang mga tinik ni Gob sa asam na MVP.
(ARABELA PRINCESS DAWA)