Thursday , January 8 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Biyenang lalaki todas sa hampas ng manugang

082114 point argue away dead
VIGAN CITY – Basag ang ulo at mukha ng isang lalaki nang hampasin ng airgun ng kanyang manugang sa Narvacan, Ilocos Sur kamakalawa.

Kinilala ang biktimang namatay na si Cesar Cambe, 47, magsasaka, habang ang suspek na kanyang manugang ay si Marvin Pascua, 28, tubong Santol, La Union, kapwa nakatira sa Brgy. Lungog sa nasabing bayan.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Narvacan, magkasama ang magbiyenan na dumalo sa isang birthday party sa kanilang lugar ngunit nagtalo sila kaya umuwi ang biktima.

Makaraan ang isang oras, lumabas si Cambe sa kanilang bahay at nakasalubong ang manugang na nagresulta sa muli nilang pagtatalo.

Sa kalagitnaan ng pagtatalo, pinaghahampas ng manugang ang ulo at mukha ng kanyang biyenan sa pamamagitan ng isang airgun na ikinamatay ng biktima.

Nakapiit na sa Narvacan Municipal Jail ang suspek.

(BETH JULIAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

explosion Explode

Kabahayan, mga bus nasira dahil sa pagsabog ng ‘deadly firecracker’; 4 timbog, 1 pa pinaghahanap sa Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Enero, ang apat na kalalakihan habang hinahanap ang …

Lunod, Drown

Lalaki nalunod noong bisperas ng Bagong Taon, Katawan natagpuan makalipas ang 2 araw

MATAPOS ang dalawang araw na paghahanap, natagpuan na ang bangkay ng isang lalaking pinaniniwalaang nalunod …