Wednesday , December 25 2024

Bagong santuario pinasinayaan ng Villar Sipag

082114 Villar Sipag Ezekiel church

PINASINAYAAN ng Villar Social Institute for Poverty Alleviation and Governance (Villar SIPAG), ang pinakabagong simbahan sa Metro Manila na Santuario de San Ezekiel Moreno.

Bilang bahagi ng corporate social responsibility (CSR) ng Vista Land, sinimulan ang konstruksyon ng simbahan noong Mayo 2011.

Itinayo ito bilang pagkilala sa Spanish Recollect na nagsilbing kura paroko ng Las Piñas mula 1876 hanggang 1879.

Ilalagak sa simbahan ang mga buto ni San Ezekiel Moreno na matatagpuan sa compound ng headquarters ng Villar SIPAG sa C5 Extension Road, Las Piñas City.

Ang Santuario de San Ezekiel Moreno ay disenyo ni Architect Claude Edwin Andrews na gumuhit rin ng St. Therese the Little Flower Shrine sa tapat ng NAIA Terminal 3.

Tampok sa disenyo ng simbahan ang ‘architectural elements’ na inspirado mula sa Baroque Spanish colonial period kaakibat ng makabagong teknolohiya sa estruktura na may “cathedral ceiling.”

Ang 700-seater na Santuario de San Ezekiel Moreno ay “column-free edifice” kaya walang balakid para hindi makita ang kabuuan ng altar saan ka man nakapuwesto sa loob ng simbahan.

Mayroon itong stained glass sa mga pintuan at bintana sa magkabilang tagiliran para sa “cross ventilation” kaya maliwanag at mahangin ang loob ng simbahan.

Ang mga interior ng Santuario de San Ezekiel Moreno ay ginawa ni Arch. Joey  Amistoso. Makikita si Kristo na nakapako sa  krus sa Spanish Baroque retabllo at ang  tabernacle sa “center niche” na may imahen ni San Ezequiel sa kanan at St. Joseph sa kaliwa.

Ang Holy Spirit dove na may sikat ng araw ay nasa ibabaw ng nakapakong Kristo. Nasa bandang ibabaw naman ng dove ang Our Lady of Buensoceso.

Ang kagandahan ng retablo at ng buong sanctuary area ay pinaiigting  sa pamamagitan ng  ”grand naturally and artificially lighted dome” na may insignias ng apat na evangelist na nasa apat na sulok nito.

Sa ilalim ng retablo wall, may dalawang side altar bilang handog kina San Lorenzo Ruiz at San Pedro Calungsod, ang dalawang santong Filipino.

May  hardin na napapalamutian sa magkabilang panig ng simbahan at driveway na may Porte Cochere para mapangalagaan ang mga nagsisismba kung umuulan.

Mayroon “loft” para sa church choir, na makikita ang wooden musical organ na gagawin ng Las Piñas organ builders.

Naroon ang museum tungkol sa buhay ni San Ezequiel Moreno upang makilala ng mga nagsisimba ang “Patron Saint of Cancer Patients.” May Adoration Chapel at Rectory ang simbahan.

Ang pagtatayo sa simbahan ay bahagi ng adbokasiya ng Villar SIPAG para sa mga simbahan at samahang relihiyoso sa pakikipag-partner sa Vista Land. (NIÑO ACLAN)

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *