Monday , December 23 2024

Expanded truck ban sa Parañaque sisimulan na

082014  truck ban
IPATUTUPAD ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez ang expanded truck ban sa Lunes, Agosto 25, upang maibsan ang traffic congestion sa major roads habang inihahanda ang pagsasara sa Sucat Interchange na inaasahang magiging sanhi nang mas matinding pagbagal ng mga sasakyan sa lungsod.

Ayon kay Olivarez, sumang-ayon ang mga miyembro ng trucker’s association makaraan ang konsultasyon sa kanilang hanay sa isinagawang pagpupulong upang himayin ang isyu ng expanded truck ban bago ang implementasyon.

“We recognize the important role of truckers in our local economy because there are so many logistics and transport companies operating in Parañaque as a result of our proximity to the Ninoy Aquino International Airport. That is why we are implementing a selective truck ban to lessen the impact on our businessmen,” pahayag ni Olivarez.

Sinabi ng alkalde, ang lungsod ay may existing truck ban sa inaprobahang ordinansa, ilang taon na ang nakararaan, at ngayon lamang ito ipatutupad sa secondary roads.

Tiniyak ni Olivarez, ipatutupad ang truck ban sa Lunes sa pangunahing mga lansangan katulad ng Dr. A. Santos Avenue (Sucat Road), East and West Service Roads sa South Luzon Expressway, Ninoy Aquino Avenue, Airport Road, at Quirino Avenue.

(MANNY ALCALA)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *