Monday , December 23 2024

Demoralized AFP, itinanggi (Sa pagkakadakip kay Palparan)

082014 AFP palparan

NANINIWALA ang Palasyo na hindi demoralisado ang mga sundalo dahil sa pagdakip ng mga awtoridad kay ret. Maj. Gen. Jovito Palparan.

Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., binibigyan nang sapat na atensyon ng pamahalaan ang morale at kapakanan ng ‘foot soldiers’ at inaasahang susunod sila sa chain of command ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

“Yung aspeto ng morale ng foot soldiers ay binibigyang atensyon ng pamahalaan. Bagama’t may mga pananaw na politikal na kinakailangan nilang tumalima sa chain-of-command,” ani Coloma.

Kinakailangan aniya na obserbahan ng mga kawal ang kanilang disiplina at gampanang mabuti ang kanilang tungkulin habang kinikilala rin ang kanilang mga karapatan bilang mamamayan na magpahayag ng kanilang mga paniniwala.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *