BINUKSAN ni Pope Francis nitong Lunes ang daan patungo sa beatification para kay Oscar Romero, sinabing wala nang doctrinal problems na haharang sa proseso para sa pinaslang na Salvadoran archbishop, isa sa mga bayani ng liberation theology movement sa Latin America.
Si Romero, archbishop ng San Salvador, ay binaril at napatay noong 1980 habang nagmimisa.
Nagpahayag siya ng pagkondena sa pang-aabuso ng Salvadoran army sa panimula ng 1980-1992 civil war ng right-wing government at leftist rebels sa nasabing bansa.
Sinabi ni Pope Francis habang bumibiyahe mula South Korea pabalik sa Vatican lulan ng eroplano, ang beatification para kay Romero ay dating “blocked out of prudence” ng Vatican’s Congregation for the Doctrine of the Faith, ngunit ngayon ay “unblocked” na. Aniya, ang kaso ay naipasa na sa Vatican’s saint-making office.
Ang kongregasyon ay naglunsad ng ‘crackdown’ sa liberation theology sa ilalim ni Cardinal Joseph Ratzinger, bunsod ng pangambang ito ay Marxist’s excesses. Ayon sa paniwala ng movement, ang mga turo ni Jesus ay nag-uudyok sa kanyang mga tagasunod na lumaban para sa social at economic justice.
Sinabi ni Pope Francis, ang kaso ni Romero ay dapat agad tugunan, “but that the investigation must take its course.”