Friday , November 22 2024

Power blast posible sa Mayon — Phivolcs (‘Pag lumaki ang lava dome)

081914 mayon volcano albay

LEGAZPI CITY – Posibleng maganap ang “power blast” sa Mayon Volcano bunsod ng umusbong na lava dome sa bunganga ng bulkan.

Sinisikap ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na makunan ng larawan ang nasabing kumakapal na lava dome.

Ito’y para madetermina kung patuloy ito sa paglaki at kung nagkakaroon nang pagbabago sa posisyon sa ibabaw.

Ayon kay Phivolcs Bicol Region Chief Ed Laguerta, kapag kumapal pa ang lava dome at matakpan nito ang mismong crater, maaapektuhan nito ang degassing sa loob, kaya malaki ang posibilidad na pagsabog nito.

Aniya, ang ganitong mga sitwasyon sa bulkan ay nangyari na noong taon 2000 na sinundan nang malakas na pagsabog kasama ang towering at cauliflower-like dark ash columns hanggang 10 kilometro sa himpapawid.

Aniya, “power blast” ang mangyayari sakaling tuluyang mabarahan nang lava dome sa crater ng bulkan ang magma gases na pilit na kumakawala mula sa loob.

TAAL VOLCANO BINABANTAYAN DIN

BINABANTAYAN din ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang Taal Volcano sa Batangas makaraan makapagtala ng anim na paggalaw ng bulkan sa loob lamang ng 24 oras.

Sa inilabas na bulletin ng Phivolcs, walang napipintong pagsabog ang bulkan Taal at nananatiling nasa alert level 1 ito.

Patuloy pa rin ang babala ng Phivolcs sa mga residente roon na huwag munang lumapit sa lugar dahil baka biglang magkaroon ng pagsabog at maglabas ng toxic gases na delikado sa kanilang kalusugan.

About hataw tabloid

Check Also

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Bulacan Police PNP

Pulis sugatan sa ops, pagkilala inirekomenda  ni Gob. Fernando

KASALUKUYANG nagpapagaling sa pagamutan ang isang police officer na lubhang nasugatan sa isang police operation …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *