TUMANGGING magpasok ng plea si retired Maj. Gen. Jovito Palparan nang basahan ng sakdal sa Malolos Regional Trial Court (RTC) Branch 14 kahapon.
Bunsod nito, ang korte na ang nagpasok ng not guilty plea para sa kanya.
Ang dating Bantay party-list congressman ay kumakaharap sa kasong kidnapping at serious illegal detention dahil sa pagkawala nina Sherlyn Cadapan at Karen Empeno.
Kaugnay ng kanyang kostudiya, personal na hiniling ni Palparan kay Judge Theodora Gonzales na manatili muna siya sa NBI dahil sa isyu ng seguridad.
“I just value my life and the risks are real,” wika ni Palparan.
Ngunit tugon ng huwes, dapat sundin ang kanilang commitment order na ikulong ang dating heneral sa Bulacan Provincial Jail.
“You are secured in Bulacan Jail. This is just for the meantime while we study your motions,” wika ni Judge Gonzales.
(DAISY MEDINA)
Sa bansag na berdugo
MEDIA KINUWESTIYON NI TRILLANES
KINUWESTIYON ni Senador Antonio Trillanes IV ang ilang kagawad ng media kaugnay sa bansag kay retired Maj. Gen. Jovito Palparan bilang ‘Berdugo’ ng mga militante.
Desmayado si Trillanes dahil hindi aniya naging patas ang mga mamamahayag kay Palparan.
Ipinaalala ni Trillanes, chairman ng Senate Committee on National Defense and Security, dapat maging makatotohanan, patas at bigyan ng media ng due process ang dating army major general.
Sinabi ni Palparan, kung ang mga makakaliwa ang tatawag sa dating kongresista bilang ‘Berdugo’ ng militanteng ay kanya itong mauunawaan.
(NIÑO ACLAN/
CYNTHIA MARTIN)