KITANG-KITA sa trailer ng Somebody To Love ang kakaibang texture at treatment sa principal photography na ginamitan ng maraming split screens para ipamalas ang iba’t ibang klase ng tauhan na magkakaiba ang pananaw sa pag-ibig at pagkakaroon ng minamahal. Ngunit, taliwas ang STL sa konspetong napapanood na romantic comedy films ngayon.
“Iba ito kasi I’m using a lot of split screen. ‘Yun talagang I want to divert sa template na ginagamit ng romantic comedies. Pinaglaruan ko talaga ang you can only do that to Regal, ‘di ba? They trust you sa estilong gagawin mo,” sambit ni Direk Jose Javier Reyes ukol sa pelikulang ipinamahala sa kanya ng mag-inang Lily at Roselle Monteverde ng Regal Entertainment.
Aminado naman si Direk Joey na nahirapan siyang gawin ang movie lalo na sa editing.
“But that’s the challenge. It’s a risk. Gamble siya kung magugustuhan ng manonood ang ganitong estilo. Pero gusto ko ‘yung bago ang look. ‘Yung language ko brave. Na-X nga ang trailer naming dahil sa language lang naman,” paliwanag ni Direk Joey.
Kung ano iyong tinutukoy ni Direk Joey, panoorin na lamang natin ang STL sa August 20 na birthday offering ni Mother Lily sa publiko. Mapapanood dito sina Carla Abellana, Iza Calzado, Matteo Guidicelli, Marical Reyes, Albie Casino, Kiray Celis, at Jason Abalos.
ni Maricris Valdez Nicasio