Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 holdaper sa Kyusi todas sa Caloocan cop (Sa halagang P530)

PATAY ang dalawang holdaper makaraan makipagbarilan sa isang pulis-Caloocan nang holdapin ang isang gasolinahan sa Brgy. Baesa, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Hindi pa nakikilala ang napatay na mga suspek, tinatayang nasa 30 hanggang 35-anyos, at 40 hanggang 45-anyos ang edad.

Ayon sa ulat ng pulisya, dakong 7 p.m. nang maganap ang insidente sa Orange Fuel gasoline station sa Quirino Highway, Jordan Valley Subdivision, Baesa.

Nauna rito, dumating ang dalawang suspek sakay ng isang motorsiklo at bumaba ang backrider saka nagdeklara ng holdap bago tinutukan ng baril ang kaherong si Jerome Tabora, 20-anyos.

Nagkataong nagpapagasolina ang pulis na si PO2 Cesar Tolentino ng Caloocan City Police District, na hiningan ng tulong ng isang gasoline boy.

Hinikayat ng pulis ang mga holdaper na sumuko ngunit agad sumakay ng motorsiklo tangay ang halagang P530.

Habang papatakas, pinaputukan ng angkas ang pulis kaya gumanti ng putok si PO2 Tolentino na nagresulta sa pagkamatay ng mga holdaper. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …