Monday , December 23 2024

Matteo, 10 mos. ng walang sex life? (Pagbubuking ni Billy…)

081614 sarah matteo

00 fact sheet reggeeHINDI na si Jojie Dingcong ang manager ni Matteo Guidicelli.

Inamin ito sa amin ni Matteo nang tanungin namin siya pagkatapos ng Q and A ng Somebody To Love.

“I’m with Star Magic, siyempre before I’m with kuya Jojie and ABS-CBN Star Magic now. Kuya Jojie naman is always with me since I was a little kid, so kuya Jojie will always be there, he’s my consultant na, everything’s okay,” pag-amin ng aktor.

Wala naman daw isyu sa manager niya at ang ABS-CBN.

“Ay wala po pinag-usapan na po namin lahat with the family and kuya Jojie and everybody. It’s nobody’s hurt and nothing; it’s just a move, just to keep moving forward.

“Jojie understands everything, I love kuya Jojie and he’s been there before when I was 14 years old.

“You know, I’m brought up to be a loyal person, I don’t like forgetting people, so kuya Jojie is always there being my life and always been in my career,” paliwanag mabuti ng aktor.

Si Jojie pa rin daw ang makakaalam ng lahat ng desisyon ni Matteo, “of course, he’s been with me since 14 years old.”

Natanong naman ang aktor sa post si Luis Manzano sa kanyang Instagram sa asong kinakamot ang private part at nag-comment si Billy Crawford na dapat daw ganito rin ang gawin ni Matteo kasi 10 buwan na siyang walang ‘ano o sex life.

Hindi nagustuhan ng supporters nina Matteo at Sarah Geronimo ang nasabing komento ni Billy dahil bastos daw.

Ipinagtanggol ni Matt ang kaibigang aktor, “Billy’s cool. We’re all friends and I don’t think he means any ne­gativity. Parang morons talaga ka­ming lahat, eh. Kalokohan palagi ‘yan. I don’t even know what he wrote, eh. I’ll check later.”

Sa tanong kung ano ‘yung binabanggit ni Billy na ‘walang ano’?

Tumatawang sagot ni Matteo, “ewan ko sa kanya. Kagaguhan lang ni Billy! ‘Di ba? Ha! Ha! Ha! Alam naman natin, he’s a funny guy. Wala, wala, balewala ‘yon.”

Ten months na raw walang sex life si Matteo? Dahil 10 buwan na rin ang relasyon nila ni Sarah?

“Ah, secret. You know, people can think what they want, but it’s ­nothing personal. It’s something to laugh about. It’s a joke. It’s nothing to be serious about.

“Ewan ko kay Billy. Mamaya, tatanungin ko siya. Tatawagan ko siya. Hindi ko alam, eh!” tumatawang paliwanag ng aktor.

AYAW ISIPING GINAGAMIT SI SARAH

Speaking of Sarah, natanong si Matt sa Q and A ng Somebody To Love kung wala na siyang problema sa part ng dalaga.

“Siyempre, love is not easy. There’s always an obstacle, there’s always challenges. Patuloy ‘yan palagi. Ipaglaban lang natin lahat palagi,” paliwanag ng aktor.

Kaya nga raw ayaw na ayaw ni Matt masyadong pag-usapan ang relasyon nila ni Sarah dahil ayaw niyang masabihang ginagamit niya ang singer/actress.

“Unang-una po kaya ayaw ko pag-usapan ‘yung relationship namin at sana po hindi kayo ma-offend o take negativity hindi ko kasi talaga gusto na palabasing ginagamit ko si Sarah sa promotion ng pelikula ko, ayaw ko talaga.

“I don’t really want to talk about her in the Buzz but it’s my first time to ask in TV, so I answer. As much as possible, I don’t wanna speak about her or answer situation like this because I want to promote my films,” diin pa ng aktor.

Say pa, “bago palang ‘yung relationship so we want the relationship stronger and make it grow, I don’t wanna loose this relationship so I want to be very careful dahil alam naman po natin sa showbiz na mahirap to keep the relationship stable, ‘di ba? Maraming intriga, maraming issues, so para iwasan na lang muna.”

May kissing scene si Matt kay Isabel Daza sa Somebody To Love, okay lang din ba kay Sarah na magkaroon din siya ng ganoon sa pelikula niya?

“Sabi ko nga, masaya ako kapag makita ko silang mag-kissing scene ni John Lloyd (Cruz), ‘di ba? I’m a fan of their films,” napangiting sabi ng aktor.

Paano kung isa sa ex-boyfriend ni Sarah na sina Gerald Anderson at Rayver Cruz ang makaka-kissing scene?

Tumitig muna sa amin si Matt, “sino bang ex niya? Wala, wala namang problema, pelikula ‘yan ‘di ba? Trabaho lang ‘yan, ‘di ba, this is an art form we love, so I respect what she wants to do and what she will do and she loves doing, ‘di ba so I’m not stopping her for what she loves doing.

KAPWA SELOSO

Kaya ang sumunod na tanong namin ay kung selosong boyfriend ba si Matteo, “ha, ha, minsan, minsan po,” tumatawang sabi ng aktor.

Selosang girlfriend ba si Sarah? “Minsan din po, ha, ha, ha” tumawang sagot ulit ng guwapong boyfriend ng singer/actress.

‘Pag sinabing minsan, may pinagselosan na, sino?

“Nakalimutan ko na po, sa totoo lang po, I get jealous at normal naman sa isang relationship lalo na kapag maganda ang girlfriend mo, I’m confident naman po with Sarah, trusted naman,” tila kinikilig na sabi ng aktor.

Paano ba magselos ang Matteo Guidicelli?

“Tampo-tampo tayo ng kaunti, parang bata,” natatawang kuwento ng binata.

Kaya ba ni Matt manakit ng girlfriend kapag nagseselos siya.

“Ay no! Never, A woman is like a diamond, if you’re a true gentleman, you really speak to the person properly,” mabilis na sagot ng aktor.

Sarah, ikonompara sa diamond

Tinanong ulit namin kung bakit ikinompara ni Matt ang babae sa diamond, “woman is like a diamond, it’s priceless so you can take care of that very well.

Limang taon na ang nakararaan simula ng sabihin ni Matt na crush niya si Sarah noong nagkita sila sa Cebu at hindi niya sukat akalain na magiging girlfriend pala niya ang singer/actress kaya nabanggit niyang ‘dream come true’ ito.

Ano naman ang masasabi ni Matt sa sinabi ni Sarah na bago siya tumuntong ng 30 ay magpapakasal na siya, “me also, ha, ha, ha” tumawang sagot ng binata.

IKAKASAL NA PAGDATING NG 30

Posibleng magpakasal na nga sila bago sila mag-30?

“Let’s ask the Lord, please pray for me, we’ll see, tingnan natin,” masayang sabi ni Matt.

Bakit pray for you, sundot namin sa aktor, “siyempre we all need prayers in our lives ‘di ba, think something positive, keep loving, never stop loving.”

Sa kabilang banda, fucking buddy ni Isabel ang papel ni Matt sa Somebody to Love na mapapanood na sa Agosto 20 mula sa direksiyon ni Jose Javier Reyes for Regal Entertainment.

ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *