Monday , December 23 2024

Sam Milby, gandang-ganda kay Liza Soberano

081514 julia kath liza

00 fact sheet reggeeHINDI halos makapagsalita si Sam Milby sa ginanap na presscon ng The Gifted  noong Lunes ng gabi dahil inaalam ng entertainment press kung totoong ‘gifted’ siya.

Gets naman ni Sam kung ano ‘yung kinukulit sa kanya, pero pinauulit niya ang tanong na kunwa’y hindi niya alam, pero sa kalaunan ay sumagot na rin.

“I’m half-American, remember, so, yeah, I’m happy and proud with my American side!” tumawang sabi ng aktor.

Medyo mahina ang pagkakasabi ni Sam ng ‘American side’ kaya inulit- ulit kung American size raw ba ang sabi niya kaya tawa na naman ng tawa ang aktor.

“American side,” sabi ulit ng aktor.

Sa solo interview ni Sam pagkatapos ng Q and A ay nakangiti niyang sabing, “hindi ko in-expect ang question na ‘yun!”

Pinag-aagawan si Sam sa The Gifted nina Anne Curtis at Cristine Reyes na parehong pangit pa sa unang bahagi ng pelikula kaya ang tanong sa binata ay kung nangyari na ito sa kanya.

”Whenever I have a girlfriend, sobrang klaro sa lahat na I’m with someone. So, wala namang nangyaring ganoon,” say ni Samuel.

At sa nth time ay muling natanong ang lovelife niya, “’Yun pa rin, same walang nagbago sa lovelife ko. Wala pa. It’s looking up, that’s the only way to put it,” sagot ng aktor.

Trenta-anyos na si Sam at at inaming mapili na siya ngayon pagdating sa babae kasi nga hoping siya na kapag nagkarelasyon siya ay ito na ang huli.

At ang paliwanag niya, ”kasi, love is something you have to be picky about. You should never settle when it comes to love. I want to know na may future talaga ‘to.

“I’m excited because I know I’ll meet the woman that will make you realize why all the past relationships didn’t work out.”

Crush daw ni Sam sina Liza Soberano, Julia Barretto, at Kathryn Bernardo kaya natanong kung plano niyang ligawan ang mga ito.

“Ang daming magagandang bata ngayon. There’s a lot of beautiful faces in the business ngayon.

“Pero siyempre, hindi naman puwedeng ma-appreciate ang kagandahan ng mga new actresses in showbiz. Pero ‘yung parang liligawan ko, wala,” kunot-noong sagot ng aktor.

Kinlaro ni Sam na age matter para sa kanya pagdating sa teenagers.

“Of course, of course 30 na ako. I find her (Julia) very beautiful. Kahit naman si Liza. Si Kathryn (Bernardo) is very beautiful.

“Pero ako, 30 na ako.  If it was five years, 18 and 25, pero 30, you grew so much. Grabe maturity.

“Kahit mature na 17 or 18 year old, ‘yung growth mo, iba talaga sa 20s. Wala namang ganoon na gusto kong ligawan.

“Puwede kong sabihin na ang ganda naman ng batang ‘to, pero ‘yung gusto kong ligawan, bata! Nagagandahan ako, of course,” naiiling na paliwanag ni Sam.

At sa tatlong teenagers na nabanggit ay si Liza raw ang napansin ng aktor.

“’Yung unang napansin ko rati was Liza. I remember, I saw her, Christmas special ng ABS, ang ganda,” nakangiting sabi.

”Too young!” ang sagot ni Sam nang kulitin siya kung may plano siyang ligawan ang tatlong teens.

“Kung single pa ako, in five, six years, sige, tingnan natin. Pero ngayon, hindi. My ideal age to get married is mid-30s. Pero ngayon, parang mas excited na ako to have my own family. And if you’re 17, 18, you should enjoy your youth, ‘di ba?”

At muling sinabi ng aktor na kapag nagkaroon na siya ng girlfriend ngayon ay, “kung sino ang susunod na karelasyon ko, I’m really hoping na siya na. That’s why I’m picky because I want to know na siya na.”

Mapapanood na ang The Gifted sa Setyembre 3 mula sa direksyon ni Chris Martinez.

ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *