BINABATI natin ang QCPD Press Corps na nagdiriwang ngayon ng kanilang SILVER ANNIVERSARY sa pangunguna ng kanilang SILVER PRESIDENT na si ALMAR DANGUILAN — isa sa very reliable na news reporter at kolumnista ng HATAW at Police Files Tonite — kasama ang kanyang silver officers.
Nabasa ko kahapon ang kolum ni katotong ALMAR at tayo ay nakikiisa sa pagpupugay sa mga naunang PANGULO at iba pang opisyal ng QCPD Press Corps.
Sila ay kabilang sa haligi at pundasyon ng 25-anyos na press corps.
Hindi maikakaila na maraming kilalang taga-media ngayon ang nagsanay at napanday sa kanilang coverage sa ilalim ng PNP-QCPD Press Corps.
Kung hindi tayo nagkakamali, marami mula sa QCPD Press Corps ang nakatulong rin sa pagbubuo ng iba pang press organization ngayon sa iba’t ibang beat sa lungsod.
By the way, maraming salamat sa parangal na inyong igagawad sa inyong lingkod ngunit ikinalulungkot ko na ako’y hindi makararating sa inyong okasyon dahil sa ating previous appointment.
Gayon pa man, naniniwala tayo na magiging matagumpay at masaya ang inyong pagdiriwang sa araw na ito.
Kay ALMAR at sa buong QCPD Press Corps, keep it up and CONGRATULATIONS!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com