Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Krisis sa koryente, tinulugan na!

00 banat alvin

MUKHANG wala pa rin aksyon ang gobyernong Aquino sa kakaharaping kakulangan ng suplay sa koryente ng bansa sa taong 2015.

Magmula kasi noong napag-usapan at ipahayag ni Energy Sec. Jericho Petilla na kakapusin ang suplay ng koryente sa bansa sa su-sunod na taon ay wala na tayong narinig kahit na konting development sa naturang usapin.

Hindi biro ang kakaharaping kakulangan ng suplay sa koryente ng bansa dahil ekonomiya at kabuhayan ng bawat isang Pilipino ang nakataya rito.

Kapag bumagsak ang ekonomiya ng estado ay karugtong na nito ang gutom ng samba-yanan at iyan ang lubhang nakababahala dahil posibleng magkaroon pa ng mas matinding kaguluhan bunga ng naturang krisis.

Malaki ang posibilidad na magkaroon ng anarkiya sa lansangan dahil kapag dumating ang panahon na walang makain ang tao ay tiyak na kakapit sa patalim na ayaw nating lahat na mangyari.

Aksyon at solusyon ang kailangan ng madla sa krisis na ito dahil ang Luzon ay hindi katulad ng Mindanao na pwede nilang ipagsawalang bahala dahil sangkatutak ang taong maaapektohan ng krisis sa koryente na kasama na sa basic nating pangangailangan.

Gahol na tayo sa panahon para sa konkretong plano at solusyon dahil ilang buwan na lang ba ang nalalabi ay sasapit na ang 2015.

Alam nating lahat na ngayon pa lang ay may krisis na tayo sa koryente kaya’t nananawagan tayo sa gobyernong Aquino na gawin itong prio-ridad.

***

Hindi na biro ang dinaranas na baha sa Obando, Bulacan at iba pang panig ng Valen-zuela City.

Araw-araw na kasi ang pagdurusang inaabot ng nasabing mga lugar dahil sa perhuwisyong dulot ng high tide.

Ang kamalasan ng nasabing mga lugar ay buhat pala sa pondong DAP ang proyektong VOM o Valenzuela-Obando-Meycauayan flood control project kaya natigil ang konstruksyon nito.

Dagliang solusyon ang kailangan ng mga mamamayan rito kaya’t nanawagan tayo sa Pa-ngulong Noynoy Aquino na gawing prioridad ang VOM dahil bagsak na ang kabuhayan sa natu-rang mga lugar.

Alvin Feliciano

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alvin Feliciano

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …