Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Iza, ayaw pa ring mag-asawa kahit 32 na!

00 fact sheet reggeeSA edad na 32 ay wala pa sa isip ni Iza Calzado ang magkaroon ng anak na kabaligtaran naman ng ibang artista na hangga’t maaari ay gusto nilang magka-anak bahang bata pa sila para raw makasabay sila sa paglaki.

Sa ginanap na solo presscon cum birthday party ni Iza sa Events Place ng Valencia property ni Mother Lily Monteverde para sa pelikulang Somebody To Love ay tinanong namin ang aktres kung kailan niya planong magka-baby?

Katwiran kasi niya ay wala pa siyang asawa kaya pakiwari namin ay hindi n’ya type ang magkaanak muna bago ikasal.

Hindi kaya mahirapan na si Iza na magkaanak sa edad niya ngayon?

“Hindi naman, marami namang nanganganak na medyo late na, ‘yung iba nga, earlier (age), pero may defect din, so hindi mo masasabi talaga,” katwiran ng Somebody To Love leading lady.

Sa edad na 32 at magkaroon siya ng anak at pagkalipas ng 10 taon ay 42 na siya at 10 taon palang ang anak niya, paano na hahabulin ito ‘pag tumatakbo?

081214 Iza Calzado
“Well, that’s why I keep active and healthy lifestyle,” mabilis na katwiran ng aktres.

Kaya pala ang mga kinakain ngayon ni Iza ay pawang salad lang at talagang mega-exercise siya kapag may oras dahil ayaw na raw niyang bumalik sa pagiging mataba tulad noon.

Say naman ng entertainment editor na si Isah Red, hayaan na munang walang asawa ni Iza dahil ini-enjoy nito ang pagiging single.

Kaya biniro si Iza ng ilang katoto na baka maging lesbian siya.

“Oo nga, gusto yata niya akong maging Tita Mercy (Lejarde), ha, ha, ha. Joke lang po. Babae po ako at lalaki ang gusto ko,” salag ng aktres.

Samantala, hindi raw naiinggit si Iza sa mga kasabayan niyang nag-asawa’t nagka-anak na dahil kanya-kanyang choice raw iyon.

“Hindi, eh.  hindi talaga,” muling sabi ni Iza.

Excited naman si Iza sa Somebody To Love dahil iba raw ang role niya rito na bitchy-bitchy na lukring pero hindi naman daw siya ganito sa tunay na buhay.

May panawagan si Iza sa movie producers, “gusto ko namang medyo bad, nire-reyp, o ‘yung papel na prosti, tapos pumapatay, (mala ‘Angela Markado’), kasi lagi na lang akong good girl, eh, para maiba naman.”

May dalawang pelikulang kasama si Iza ang magkakatapat dahil parehong mapapanood sa Agosto 20, ang Somebody To Love mula sa Regal Entertainment na idinirehe ni Jose Javier Reyes at ‘yung isa mula sa APT Entertainment at Octobertrain Films mula sa direksiyon ni Jun Lana.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …