Sunday , November 3 2024

Amok na BJMP personnel tigbak sa parak

PATAY ang isang personnel ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) nang makipagbarilan sa mga pulis makaraan magwala at magpaputok ng baril kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Agad binawian ng buhay ang suspek na si Alfred Chan, 32, BJMP personnel, at residente ng Block 7, Lot 2, Ruby St., Interville Subd., Talipapa, Brgy. 164 ng nasabing lungsod, sanhi ng maraming tama ng bala sa katawan.

Batay sa ulat nina SPO1 Joselito Barredo, PO2 Edgar Manapat at PO3 Rommel Bautista ng Station Investigation Division (SID) ng Caloocan City Police, dakong 7:10 p.m. nang maganap ang insidente sa tapat ng bahay ng biktima sa nasabing lugar.

Napag-alaman, nagwala ang suspek at nagpaputok ng baril kaya tumawag sa himpilan ng pulisya ang mga residente.

Ngunit habang papalapit ang mga pulis ay agad silang pinaputukan ng suspek.

Gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.

Nabatid na lasing ang suspek at sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang nagwala at nagpaputok ng baril.

(ROMMEL SALES)

About hataw tabloid

Check Also

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Rolando Valeriano Rodrigo Duterte

Hindi bayani o diyos  
DUTERTE SALOT — SOLON

ni Gerry Baldo TAHASANG sinabi ng isang kongresista mula Maynila na hindi isang bayani o …

Bulacan Police PNP

Sa crackdown vs ilegal na droga  
21 TULAK TIKLO SA BULACAN

ARESTADO ang 21 pinaghihinalaang mga tulak ng ilegal na droga sa pinaigting na operasyon ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *