Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tuloy si Erap sa 2016?

00 banat alvin
KAPAG si VP Jojo Binay ang inindorso ni PNoy na kanyang pambato sa 2016 presidential election ay tiyak na mapipilitang tumakbo itong si Mayor Erap Estrada ng Maynila na pangulo ng estado.

Tiyak kasing hindi makapapayag itong si Erap na pabayaan na lamang ang grupo ng oposisyon na abandonahin dahil magmimistulang napakatino naman ng ginawang pamamahala ng anak na lalaki ni Tita Cory sa bansa.

Sa totoo lang, alam ng lahat ang mga kapalpakang ginawa ni PNoy sa bansa at hindi rin maiwawaksi sa isipan ng sambayanan kung gaano naging kalagananap ang kurakutan sa estado sa pamamagitan ng lumang PDAP o pork barrel at ang makabagong DAP na malinaw sa sinabi ng Korte Suprema na labag sa Konstitusyon.

Malinaw din na patungo na sa pakikipag-al-yansa itong si Binay sa mga Aquino dahil mukhang lumalabas ay tuloy ang pakikipag-usap at magandang relasyon nito sa mga kapatid ni PNoy.

Lumabas kasing mas choice ng presidential sisters itong si Binay kaysa kay Mar Roxas, na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pumapalo sa mga survey na isinasagawa sa bansa.

Maging ang Liberal Party ni PNoy ay nagbago ng desisyon dahil sa halip na si Roxas ang kanilang ibenta ay ang second term ng Pangulo ang kanilang tinututukan.

Sa maikling salita, walang tiwala ang mismong LP kay Roxas dahil si PNoy pa rin ang kanilang 1st choice sa labanan kahit pa suma-bit na rit ito sa DAP.

Marami pang magaganap bago sumapit ang 2016 pero tiyak na malaki ang posibilidad na lumahok dito si Erap dahil mukhang selyado na ang usapang BInay-Aquino na talaga namang magka-alyado magmula noong umpisa pa lamang.

***

Halatang iba na ang tono nitong si Navotas Rep. Toby Tiangco, tagapagsalita ng UNA o ni Binay.

Patungo na kasi sa pagkampi kay PNoy ang kanyang mga pahayag lalo na noong SONA , na kung saan sinabi ni Tiangco na maganda ang mga pahayag na ginawa ng pangulo.

Nagkakaisa ang tono nina Tiangco at Binay at iyan ang dapat basahin ng publiko dahil mukhang done deal na ang pag-eendorso ni PNoy sa kanyang pangalawang pangulo.

ni Alvin Feliciano

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alvin Feliciano

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …