Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Good Samaritan binoga ng 2 kelot, bebot kritikal

KRITIKAL ang kalagayan ng isang babae makaraan masapol ng ligaw na bala sa leeg nang mamaril ang dalawang lalaki nang maharang ang kanilang sasakyan ng tricycle na minamaneho ng isang ‘Good Samaritan’ sa Valenzuela City kahapon ng madaling araw.

Ginagamot sa Quezon City General Hospital ang biktimang si Nora Del Monte, 42, vendor, residente ng #23 Old Cabuyao St., Novaliches, Quezon City.

Habang maswerteng hindi tinamaan ng bala ang ‘Good Samaritan’ si Arnesto Buenaventura, 36, tricycle driver, ng 5140 Doña Marciana Subdivision, Brgy. Ugong ng nasabing lungsod, na siyang target ng mga suspek.

Agad naaresto ng mga awtoridad ang dalawang suspek na sina Randy Velus, 32, at Aljun Vargas, 19, driver, kapwa residente sa #158 Golden Tower St., Quezon City.

Sa ulat ni  PO3 Michael Oxina, naganap ang insidente dakong 5:20 a.m. sa tapat ng garahe ng mga truck sa C-5 Ext., Brgy. Ugong ng nasabing lungsod. Isang truck ang hindi makapagmaniobra dahil sa sikip ng kalsada kaya tinulungan ni Buenaventura para mabilis na makaraan ang ibang mga sasakyan.

Pero hindi agad nakaraan ang Isuzu Elf na minamaneho ng suspek na si Vargas kaya pinagmumura si Buenaventura.

Hanggang bumunot ng baril si Velus at pinaputukan si Buenaventura ngunit hindi tinamaan.

Sa ikalawang putok, minalas na tinamaan si Del Monte sa leeg habang nakaangkas sa motorsiklong minamaneho ng kanyang live-in partner.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …