Monday , December 23 2024

Erik, ginulpi ni Iwa (GF na naging bayolente at may suicidal tendency)

00 fact sheet reggeeMULA sa imbitasyon nina EP Omar Sortijas at Direk GB Sampedro ay nanood kami sa gala night ng 10th Cinemalaya Film Festival entry na S6parados sa CCP main theater noong Linggo ng gabi.

At naabutan namin si Erik Santos na pinagkakaguluhan ng fans at nagpapa-picture pa at nang makita kami ay tinanong kami ng, ”manonood ka ba ngayon, ate? ‘Wag mo ko pagtatawanan ha? Hindi kasi ako nakakatawa rito, seryosong aktor ako.”

Balik-tanong namin kay Erik, ‘ano ba role mo?’ sabi ng singer, ”battered husband.

“Ayaw kita manood ngayon kasi baka kung ano-ano isulat mo, napaka-totoo mo pa naman,” katwiran sa amin ng singer.

Ang binabanggit ni Erik na huwag namin siyang pagtawanan ay ang panggugulpi sa kanya ng asawang si Iwa Moto at nagmukha siyang basang sisiw. Isang mabait at masunuring asawa si Erik kay Iwa na pareho silang nagtatrabaho sa call center at kasamahan nila si K-La Rivera.

Bago lang kasi sa trabaho si K-La kaya nagpapaturo kay Erik bagay na ayaw naman ni Iwa na supervisor nila kaya pagdating ng bahay ay gulpi sarado ang singer. Hindi naman maiwasang hindi ka talaga matawa kasi halos lahat ng nanonood sa CCP main theater ng gabing iyon ay naghalakhakan talaga dahil parang bata talaga si Erik na pinagagalitan at ginugulpi ng nanay.

Pangarap maging singer ni Erik na sumali sa boy band pero na-disband hanggang sa nakilala si Iwa at napangasawa na gusto na ring humiwalay sa huli dahil hindi na niya kinaya ang panggugulpi sa kanya. Ang pagkakasira ng gitarang may sentimental value kay Erik ang naging daan para tuluyan na niyang iwan si Iwa.

080714 iwa moto erik santos

GF na naging bayolente at may suicidal tendency

ACTUALLY, habang pinanonood namin ang episode ni Erik ay iniisip namin kung sino ang karelasyon ni direk GB that time na ganoon ang trato sa kanya dahil sabi nga niya, ‘inspired’ sa personal niyang buhay ang kuwento ng S6parados.

May naisip na kami kung sino si Iwa sa mga naging karelasyon ni direk GB at hindi na lang namin babanggitin dahil baka maging daan pa ito ng gulo tutal pareho na silang nanahimik.

Napaisip tuloy kami kung sino ang karelasyon ni direk GB sa episode nina Jason Abalos at asawang adik na si Althea Vega dahil hindi naman namin nabalitaang naging adiktus ang kilalang direktor. Pero base pa rin sa napanood namin ay tila pareho pa rin ang babaeng inilalarawan ni direk GB sa episode nina Erik at Iwa na bandang huli ang naging bayolente at may suicidal tendency.

Sa episode naman nina Alfred Vargas at Diana Zubiri na nagkaroon ng affair sa pari ang huli ay pakiramdam namin ay dagdag na lang ng sumulat ng kuwento o personal niyang karanasan, tama ba Erik Ramos?

Naging alcoholic si Alfred dahil nahuli niya ang asawang nakikipagtalik sa pari at simula noon ay ayaw na niyang magsimba maski na anong yaya sa kanya ng asawa dahil nawalan siya ng tiwala at respeto sa mga pari. Nagpa-rehab si Alfred at gumaling naman sa kalaunan at hiniwalayan na rin ang asawa.

Direk GB, closet gay?

Feeling namin ay dagdag kuwento ang episode nina Ricky Davao at  Melissa Mendez para pampasaya lang kasi late bloomer na bading ang aktor na inamin niya sa asawa na matagal na pala siyang nagtitiis.

Imposible namang closet gay si direk GB dahil base sa pagkakakilala namin sa kanya ay wala namang bakas, puro lang tsismis. Hmm, baka nga late blommer ka direk, ha, ha, ha,ha, joke!

Teka, hindi kaya ang sumulat uli ang may personal na kuwento rito sa closet gay, Erik?

Ano naman kaya ang papel ni Anjo Yllana sa buhay ni direk GB, eh, hindi naman siya iresponsableng ama at asawa? Nagkataon lang na separated na ang direktor sa asawa at ina ng mga anak niya. Sabi nga namin, baka pampadagdag saya lang kasi nga nakatutuwa naman si Anjo na walang ginawa kundi magkukuha sa kanyang digicam ng mga babaeng type niya at nakaka-sex niya.

Parang mas type yata niyang maging photographer kaysa sumakay ng barko na kasalukuyang trabaho niya. Kaya ang asawang si Sharmaine Arnaiz ay galit at pumayag ng makipaghiwalay sa kanya at later on ay nakatagpo ng lalaking masasandalan, kuwento ba ulit ito ng sumulat, Erik?

Sigurado naman kami kung sino si Angel Jacob bilang si Pia sa buhay ni direk GB na nahiwalay siya pero maganda ang relasyon nila dahil naging magkaibigan sila, ang tunay na asawa’t ina ng mga anak ng direktor, dating executive ng isang recording company.

Sa kuwento ay si Victor Neri ang asawa ni Angel pero hindi sila magkasundo sa sex. Hindi naman siguro ganito ang totoong dahilan ng paghihiwalay nina direk GB at asawa niya dahil marami silang anak ‘no?

Gustong makasal kay Ritz

But kidding aside, muling ikinasal si Victor kay Ritz Azul na anak nina Ricky at Melissa na ang feeling namin ay ito ang pangarap ni direk GB na muli siyang bigyan ng chance na makasal ulit sa babaeng mamahalin niya at aalagaan.

Ikaw ba ito Ritz?

Mahuhusay ang mga artista, wala kaming puwedeng ilaglag, ang gaganda ng shots, ang galing ng pagkakatahi ng istorya at paano natapos sa loob ng pitong araw ang anim na kuwento ng mga lalaking S6parados?

Komento lang namin, masyadong maraming istorya, nakababagot panoorin kung hindi ka fan ng ibang artistang nagsiganap at walang impact. Ang natandaan namin ay ang kuwento ni Erik na binubugbog ng asawa, ha, ha, ha kasi nagtawanan ang lahat. Alam mo naman ang mga Pinoy gusto nila ng bugbugan, duguan, at patayan. ‘Yan ang tatak indi.

About Reggee Bonoan

Check Also

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *