Thursday , August 14 2025

Said na pangarap ni Allan Cayetano

00 banat alvin
MUKHANG walang patutunguhan ang pangarap ni Senador Allan Cayetano na maging pangulo ng bansa.

Ito ang malinaw pa sa sikat ng araw kung pagbabasehan ang pinakahuling survey ng Pulse Asia na isinagawa noong nakaraang Marso na nakakuha lamang ng 4 percent ang asawa ni Aling Lani, ang kasalukuyang mayor ng Taguig.

Malinaw din na inilabas na ni Senador Allan ang kanyang TV ads noong isinagawa ng Pulse Asia ang survey pero nanatili pa rin na nganga o kulelat sa labanang pampanguluhang sa 2016.

Nakikita rin na kahit sa labanan ng bise presidente ay hindi uubra si Cayetano kaya’t mukhang malabong kunin o areglohin nang sinomang malalaking partido o maging ng ilang bigating presidentiables na sasabak sa halalan dalawang taon mula ngayon.

Hindi natin alam kung bakit sablay si Mang Allan sa lahat ng mga survey, ito man ay SWS o Pulse Asia pero malinaw sa atin na talagang pilit lamang ang masang mamboboto sa paghahalal sa kanya.

Sa maikling salita, hindi ganoon ka-appeal si Cayetano sa taong bayan kaya’t dapat nang tumigil sa kanyang ambisyon dahil wala naman patutunguhan.

Mukhang ang pagsisipsip niya kay PNoy sa iba’t ibang isyung kinasasangkutan ay wala rin appeal sa anak ni Tita Cory dahil sa ating pagkakaalam ay hindi siyang gaanong pinapansin ng Malakanyang at lalong hindi raw ang choice ng kasalukuyang pinuno ng estado.

Tiyak na marami pa ang magaganap sa politika sa bansa pero tiyak tayong hindi na kasama sa equation si Mang Allan dahil mukhang hindi na aangat pa sa survey dahil walang magaganap na himala.

***

Dapat nang maging handa ang taong bayan sa epekto ng grabeng kakulangan ng suplay ng koryente sa bansa sa taong 2015.

Mukha kasing hindi prioridad ng kasalukuyang gobyerno ang pagresolba nito gayong ilang buwan na lamang ang nalalabi ay sasapit na ang 2015.

Kakulangan ng gigil ang nakikita nating dahilan sa pagresolba sa napipintong krisis sa koryente at ‘yan ang kataka-taka dahil bilang pinuno ng bansa ay dapat lamang alerto kang lagi sa mga problemang kakaharapin ng bansa lalo na’t ang kakulangan ng suplay sa koryente ay kasing kahulugan na rin ng pagbagsak ng ekonomiya ng estado.

Medyo iba ang nababasa nating dahilan ng usad pagong na pagkilos ng mga awtoridad natin dito dahil may naamoy tayong ang pagde-delay sa kanilang pagkilos ay kahuluga ng malaking pera.

Alvin Feliciano

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alvin Feliciano

Check Also

Vinny Marcos Patrick Gregorio Tats Suzara

Paghahanda para sa FIVB MWCH, Mas Pinaigting sa Huling Buwan

EKSAKTONG 32 araw ang nalalabi at puspusan na ang paghahanda para sa solo hosting ng …

Gymnastics

FIG technical group bibisita para suriin mga hotel at entablado na pagdarausan ng 3rd World Junior Gymnastics Meet

DARATING bukas, Miyerkoles, ang mga nangungunang opisyal ng International Gymnastics Federation (FIG) upang inspeksiyonin ang …

Tristan Jared Cervero

Tristan Jared Cervero wagi sa paligsahang Xiangqi sa PH

NAGWAGI Si Tristan Jared Cervero sa Group B o kategoryang All Filipino sa 19th Thousand …

Ivan Travis Cu Chess

FM Ivan Travis Cu, nanguna sa Blitz sa 9th Eastern Youth Chess Champs

IPINAMALAS ng sumisikat na Filipino chess star na si FIDE Master (FM) Ivan Travis Cu …

Sipat Mat Vicencio

‘Sandok’ ni Imee hindi lumusot kay Atty. Princess Abante

SIPATni Mat Vicencio KUNG makapanlait itong si Senator Imee Marcos, para bang walang kapintasan. Wagas …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *