Ibang klase pala magpatupad ng kanilang seguridad ang NOVO JEANS and SHIRTS na matatagpuan sa F. ROXAS St. at 3rd Ave., sa lungsod ng Caloocan.
‘Yun mga kamoteng guwardiya nila ay rerekisahin ang mga dala mong bag kapag papasok ka sa tindahan nila.
Okey lang naman ‘yun…pero ang nakabu-bwisit kapag ikaw ay palabas na rerekisahin ulit ng mga estupidong sekyu ang dala mong bag!
Sonabagan!!!
Ang tingin ba nila sa mga costumer na pumapasok sa tindahan nila ay magnanakaw?!
Sonabagan!!!
Aba’y kung wala kayong tiwala sa mga mamimili, huwag na lang kayong magpapasok ng costumer o mas mabuti magsara na lang kayo!
Talo pa n’yo SM o Robinsons!
‘E puro Made in China at madaling masira naman daw ang mga paninda n’yo!?
Irespeto n’yo ang inyong mga costumer!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com