BALIK-PILIPINAS ang dating superstar ng National University sa UAAP na si Bobby Ray Parks pagkatapos na sumabak siya sa training camp ng Los Angeles Lakers sa NBA.
Muling iginiit ni Parks na hindi siya magpapalista sa Rookie Draft ng PBA ngayong taong ito kahit may ilang mga koponang nais kunin siya bilang top pick tulad ng Globalport at Rain or Shine.
Misyon ni Parks na muling sumabak sa rookie camp ng NBA sa susunod na taon dahil desidido talaga siyang makapasok sa NB
“Since I was born in 1993 and my agent thought I was born in 1992, I didn’t sign an early draft form which made me ineligible for this year. But I got invited back to summer camp next year.”
Habang nasa Amerika si Parks ay sumabak siya sa summer camp ng Los Angeles Lakers kasama ang iba pang mga rookie prospects.
Sa kabilang banda, natuwa si Parks sa ipinakita ng Bulldogs ngayong UAAP season kung saan nangunguna sila sa team standings na may limang panalo at isang talo.
Noong naglaro si Parks sa NU ay dalawang beses silang natalo sa Final Four kontra University of Santo Tomas sa Season 75 at 76.
(James Ty III)