Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Slaughter gustong umalagwa

KUNG naging Most Valuable Player ng Philippine Basketball Association si June Mar Fajardo sa kanyang sophomore season, aba’y puwede rin itong sundan ni Gregory Slaughter!

Iyan marahil ang aambisyunin ni Slaughter na siyang naging Rookie of the Year sa nakaraang season ng PBA.

Alam naman ng lahat na matindi ang duwelong namamagitan sa dalawang higanteng ito. Nagsimula ang duwelo noong sila ay naglalaro pa sa Cebu.

Sa totoo lang, angat nga sa duwelo si Slaugher dahil sa una siyang  naging MVP sa liga nila.

Kaya nga maaga siyang naluwas sa Maynila. kinuha kaagad siya ng Gilas Pilipinas at mula roon ay naglaro siya sa Ateneo Blue Eagles. Nabigyan niya ng magkasunod na kampeonato ang Blue Eagles bago sila umakyat sa PBA.

Sa kabilang dako, naiwan pa si Fajardo sa Cebu bago kinuha ng San Miguel Beer para sa ASEAN Basketball League (ABL).

Sa ligang iyon ay hindi naman naging dominante si Fajardo dahil sa sina Paul Asi Taulava at Eric Menk ang star ng team.

Pero natuto si Fajardo sa kanyang mga ‘kuya.” Kaya naman naging handa siya sa pagpanhik sa PBA.

Sayang nga lang at hindi naging Rookie of the Year si Fajardo dahil tinalo siya ni Calvin Abueva.  Itoy bunga ng pagkakaroon niya ng injury.

Pero nakabawi naman siya at naging pinakamahusay na big man sa liga noong nakaraang season kung  kaya’t pinarangalan siya bilang MVP.

Well, puwede na ring malampasan ni Slaughter ang achievement ni Fajardo sa PBA.

Kasi nga’y naging ROY si Slaughter. At kung magiging MVP din siya, e di lalampasan nga niya si Fajardo.

Kaya naman ngayon pa  lang ay todo-todo na ang paghahanda ni Slaughter para sa 40th season ng PBA. Hindi siya nagpapahinga.

Gusto talaga niyang umalagwa!

Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …