ISANG kupitan este alias KAPITAN BLANGKO at WILLIAM KAHOYAN ang nagpapakilalang kolektong umano ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Umikot na sina alias Blangko at Kahoyan sa mga 1602/vices operator sa iba’t ibang lalawigan sa Southern Luzon para opisyal na magpakilalang sila ang binasbasan ng DILG para mangolekta ng mga dapat daw kolektahin.
Ano ba ito ni DILG Secretary Mar Roxas!?
Alam mo ba talaga ang nangyayari sa teritoryo mo?
Hindi ba namo-monitor ni SILG senior police assistant Gen. Danilo Pelisco ang kalokohan nina BLANGKO AT Kahoyan!?
Huwag na ninyong hintayin ‘sumabog’ pa ang raket ng dalawang ito, Gen. Pelisco!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com