Thursday , December 26 2024

PNoy pumuntos sa emotional SONA (Kahit ‘di masustansiya)

UMANI ng suporta sa publiko ang pagiging emosyonal ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa State of the Nation Address (SONA) kamakalawa lalo nang banggitin ang mga katagang nabanggit na rin ng kanyang ama.

Ayon kay Prospero “Popoy” De Vera, UP Vice-President for Public Affairs at isang political analyst, hindi sinasadya at hindi scripted ang binitawang salita ni Aquino kaya umani ng simpatiya mula sa publiko.

Gayunman, hindi aniya makabubuti sa publiko ang estilo ng Pangulo o ang laging pagpapasaring sa mga kritiko at mistulang sinasabi na siya lang ang tama at mali ang lahat ng mga kritiko.

Aniya, imbes pagtuunan ng pansin ang mga simpleng bagay at dapat binigyan na lamang niya ng pansin ang iba pang mahalagang isyu gaya ng Freedom of Information bill na posible aniyang apektado ng politika.

Habang ayon kay Clarita Carlos, isa rin political analyst, hindi nabanggit ng pangulo ang patungkol sa Asean Integration na gaganapin sa 2015.

Nakukulangan din siya sa estratehiya ng gobyerno sa pagtugon sa mga problema at tanging ang figures lang ang ipinakita sa SONA.

Nag-aalala rin ang mga analyst na baka maraming proyekto ang hindi matatapos ng pangulo sa pagtatapos ng kanyang termino at maging ang Bangsamoro Law ay mahirapan din siyang isulong.

Gayon man, pinuri ng dalawa ang pangulo, lalo na’t hindi niya binanggit ang kontrobersiyal na Disbursement Acceleration Program (DAP) at kailangan niyang ipakita na wala na talagang pondo ang mapupunta rito sa susunod na taon.

(HNT)

BATIKOS SA EMOTIONAL SONA NI PNOY UNFAIR — LACSON

TINAWAG na “unfair” ni Rehab Czar Secretary Panfilo Lacson ang mga bumatikos sa paggaralgal ng boses ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III habang nagtatalumpati, iginiit na bahagi ito sa script ng pangulo.

Depensa ni Lacson, hindi biro ang humarap sa dalawang daang kongresista, mga senador at nasa mahigit P100 milyong Filipino.

Giit niya, siya ay naniniwala na layon ng pangulo na mabigyan nang kaukulang tulong ang mga kababayan nating biktima ng sakuna at kalamidad.

Ngunit ilan sa mga dumalo sa SONA ay naniniwala na gusto lamang ng pangulo na makakuha ng simpatiya dahil sa umiinit na isyu ng DAP at ang paghahain ng kaliwa’t kanang impeachment complaint.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *