Tuesday , November 5 2024

3 Senador sa BJMP tinutulan ng Oposisyon

NAGHAIN ng resolusyon ang oposisyon sa Senado para mapigilan ang paglilipat sa mga nakalulong na senador mula sa PNP Custodial Center sa Kampo Crame.

Sa kanilang Senate Resolution 798, hiniling nina Sen. Tito Sotto at Sen. Gringo Honasan na huwag mailipat sina Sen. Juan Ponce Enrile, Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Ramon Revilla sa Camp Bagong Diwa sa Taguig habang nililitis ang kanilang kaso.

Ito ay para magkaroon sila ng mga pasilidad at mabigyan nang sapat na espasyo at maipagpatuloy ang kanilang mandato bilang mga senador na ibinoto ng taumbayan.

Nananatili anilang inosente ang mga senador hangga’t walang pinal na ruling ang korte batay na rin sa Section 14 Article 3 ng Saligang Batas.

Ang tatlo ay nahaharap sa kasong plunder sa Sandiganbayan dahil sa sinasabing pagkuha ng kickbacks sa kanilang pork barrel.

Una nang naghain ng petisyon ang prosekusyon sa Anti Graft Court na mailipat sa Camp Bagong Diwa ang tatlo dahil hindi bilangguan ang four room bungalow sa Kampo Crame kundi barracks ng Custodial Service Unit ng PNP. (CYNTHIA MARTIN/NIÑO ACLAN)

About hataw tabloid

Check Also

Pasig City

Pasig City gov’t political officer bistadong lider ng ‘troll campaign’

PASIG City – Isang Universal Serial Bus  (USB) ang nagbisto sa sinabing ‘troll campaign’ operations …

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *