Monday , December 23 2024

3 holdaper ng UV express arestado

ARESTADO sa follow-up operation ng mga operatiba ng Police Community Precinct (PCP-1) ang

tatlong holdaper kabilang ang kapangalan ng action star na si Robin Padilla, na

nambibiktima sa mga UV Express, kahapon sa Pasay City.

Nakapiit na sa Pasay City detention cell ang mga suspek na sina Jeo Lavadia, 18, ng #1836

Lim Ann St., Pasay City; Kris Lloren  18; at Robin Padilla, 23, pawang ng #1847 Goquolay

St., ng nasabing lungsod.

Base sa ulat ng pulisya, 4:30 a.m. nang sumakay ang mga suspek sa isang UV Express (UWG-

199) na minamaneho ni Tato Kasam, 36, at biyaheng Lawton-Sucat, sa CCP Complex, Roxas

Boulevard ng naturang lungsod.

Pagdating sa fly-over ng Buendia Avenue, Pasay City ay nag-anunsiyo ng holdap ang tatlo

saka kinulimbat ang mahahalagang gamit, cellphone, laptop, at cash ng mga pasahero.

Agad naglunsad ng follow-up operation ang mga kagawad ng PCP-1 sa pangunguna ni PO3

Rolando Casim, na nagresulta sa pagkaaresto sa mga suspek habang nagtatago sa kani-

kanilang mga bahay.

(JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *