SABAY-SABAY na tumayo at umalis sa plenaryo ang Makabayan bloc o grupo ng mga militanteng mambabatas habang nagtatalumpati si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kahapon.
Ayon kay Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, hindi na nila maatim ang mga sinasabi ng Pangulo ukol sa pag-unlad na para sa kanila ay hindi maramdaman ng mga karaniwang mamamayan.
Para sa kanila, malayo sa katotohanan ang mga figure na umaasenso ang Filipinas.
Maging ang pagtatanggol sa Disbursement Acceleration Program (DAP) ay nakasasawa na anila, lalo’t paulit-ulit lamang ito.
“We decided to walkout of the 5th SONA of Pres. Aquino because we know that he would just utter lies to further defend the unconstitutional and illegal DAP as well… It now time to impeach the president who has further pushed our countrymen into increasing poverty,” wika ng mga mambabatas.
Habang para sa liderato ng Kamara, malaya ang sino man na makinig at malaya rin ang iba na huwag makibahagi sa State of the Nation Address (SONA).