Saturday , May 10 2025

Inang buntis, 10-anyos anak utas sa Samar (Pamilya nabagsakan ng bato)

072314 dead falling rock

TACLOBAN CITY – Patay ang isang buntis at ang kanyang 10-anyos anak makaraan madaganan ng malalaking bato ang kanilang barong-barong sa Maharlika Highway, Brgy. Cagnipa, sakop ng Lungsod ng Calbayog sa Samar kamakalawa.

Kinilala ang mga namatay na sina Marife Monteves, 37, siyam na buwan buntis, at ang kanyang anak na si Danica.

Habang nakaligtas sa trahedya ang ama na si Danilo Monteves at dalawang anak nilang sina Diana, 9, at Danilyn, 5, nagkaroon nang malalalim na sugat sa katawan, ginagamot sa St. Camillus Hospital sa Calbayog City.

Ayon kay Danilo, naiidlip sila sa loob ng kanilang barong-barong dakong 1 p.m. nang bigla nilang narinig ang rumaragasang malakas na tunog na dumiretso sa kanilang tirahan.

Dalawang malalaking tipak ng bato na pinaniniwalaan galing sa itaas ng bundok ang tumama sa kanyang misis at sa kanyang anak na babae na naging sanhi ng agarang pagkamatay ng dalawa.

Sinabi ni Danilo, siya at ang kanyang bunsong mga anak ay mabilis na nakakilos at nakapagtago sa isang sulok ng kanilang tirahan kaya maswerteng nakaligtas.

About hataw tabloid

Check Also

Abby Binay Nancy Binay

Abby Binay ‘much better’ matalo sa Senado kaysa manalo si Nancy sa Makati

TILA ‘much better’ pa kay Mayor Abby Binay na matalo sa Senado at mabigong makapasok …

ACT-CIS Partylist

ACT-CIS Partylist nakapaghatid ng mahigit P1.4-B serbisyo sa 300k plus Filipino sa isang taon

BILANG patunay ng matibay na adbokasiyang mailapit ang serbisyo publiko sa mamamayan, matagumpay na naipamahagi …

Erwin Tulfo

Sa pinakabagong SWS survey
ERWIN TULFO, CONSISTENT FRONTRUNNER SA SENADO

ILANG araw bago ang eleksiyon sa Lunes, 12 Mayo, patuloy na nangunguna sa karera sa …

050925 Hataw Frontpage

Habemus Papam

HATAW News Team HINIRANG na ang bagong Santo Papa ng Simbahang Katoliko. Kahapon, 8 Mayo …

Chiz Escudero

Mga sangkot sa road rage  
‘KAMOTE’ DRIVERS BAWIAN NG LISENSIYA — ESCUDERO

INIREKOMENDA ni Senate President Francis “Chiz” Escudero sa pamahalaan partikular sa Land Transportation Office (LTO) …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *