Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Teenage killer maid wanted (P.1-M patong sa ulo)

072814_FRONT

PUSPUSAN ang isinasagawang paghahanap ng mga awtoridad sa isang kasambahay na sinasabing sumaksak at pumatay matapos pagnakawan ng higit P50,000 halaga ng alahas ang kanyang among babae sa Balanga, Bataan nitong Hunyo 17.

Kasabay nito, naglabas ng halagang P.1-milyon patong sa ulo ang pamilya ng biktimang si Jocelyn Garcia, 49, ng Taglesville Subdivision, Balanga, Bataan, para sa makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng suspek na si Elsa Rose Lapigkit, 18-anyos.

Napag-alaman sa imbestigasyon na limang araw pa lamang naninilbihan sa pamilya Garcia ang suspek nang maganap ang krimen.

Tadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang bangkay ni Garcia nang maabutan ng kanyang anak na nakahandusay sa maid’s quarter sa likod ng kanilang bahay.

Ayon sa anak na lalaki, kararating niya mula sa paaralan nang datnan niyang tigmak sa sariling dugo ang ina.

Tiniyak ng anak ng biktima na ang kanilang kasambahay ang gumawa ng krimen dahil dalawa lang silang naiwan sa bahay.

Nang mabalitaan ng asawang nagtatrabahosa Abu Dhabi ang nangyari kay Garcia, inatake sa puso at agad namatay.

Sa teorya ng mga awtoridad, naniniwala sila na may kasabwat ang suspek dahil hindi kakayanin ng nag-iisang tao ang nasabing krimen.

Natuklasan ng mga awtoridad na may naka-binbing arrest order si Lapigkit sa kasong qualified theft sa Dipolog City, gayon din sa Marilao, Bulacan.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …