MAGBIBIGAY ng kulay sa huling linggo ng Hulyo ang Southern Delta Aquarids meteor shower.
Ayon sa Pagasa, makikita ito simula Hulyo 28 hanggang Hulyo 31, 2014.
Ang lundo nito ay asahan sa hatinggabi ng Hulyo 29 at 30, at maaaring matanaw ang hanggang 15 bulalakaw sa loob ng isang oras.
Ang nasabing astronomical event ay mula sa Aquarius, Capricornus at Piscis Austrinus na regular na makikita sa kalawakan sa huling bahagi ng buwan ng Hulyo.
Ang Aquarids ay hinango sa pangalan ng constellation Aquarius o “Water Bearer” na unang natuklasan ng mga eksperto mula sa bansang Greece.