Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

1.5-M katao naitala sa INC’s Centennial

072714 INC 100

PUMALO sa tinatayang 1.5 milyong indibidwal ang dumagsa sa Ciudad de Victoria sa Bocaue, Bulacan para sa centennial celebration ng Iglesia ni Cristo.

Ito’y batay sa crowd estimate na isinagawa ng Task Force Sentenaryo kahapon.

Nag-umpisa dakong 6 a.m. ang pagsamba sa pangunguna ng kanilang Executive Minister na si Eduardo Manalo sa loob ng Philippine Arena, itinuturing na higlight sa selebrasyon.

Nabatid na nagmula pa sa ibat ibang lugar, maging sa abroad ang mga nagtungo sa Ciudad de Victoria.

Dakong 12 ng hatinggabi ay nagkaroon ng fireworks display bilang hudyat sa pag-umpisa ng selebrasyon.

Ayon sa Task Force Sentenaryo, Sabado nang gabi nang mag-umpisang dumating ang mga kapatid sa Iglesia na piniling manatili at mag-tent sa labas ng arena dahil wala silang mga ticket.

Ang may mga hawak na ticket lamang ang pwedeng pumasok sa 55,000-seating capacity ng arena.

Bandang 2 a.m. kahapon nang magsimula silang pumasok sa arena.

Habang nagtayo ng malalaking screens sa labas ng arena para sa mga hindi nakapasok.

Sa tala ng Bureau of Fire Protection (BFP), mahigit 100 ang binigyan ng first aid sa Ciudad de Victoria.

Nagpadala na rin ng mga tauhan ang PH Red Cross sa Ciudad de Victoria. Mahigpit ang ipinatutupad na seguridad sa buong Ciudad de Victoria.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …