Wednesday , December 25 2024

Commitment order kay Napoles conflict sa ibang court order

KOMPLIKADONG court order ang idinahilan ni PNP PIO head, C/Supt. Reuben Theodore Sindac kaya hindi natuloy ang paglilipat kay Janet Lim-Napoles sa BJMP jail facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Kamakalawa, ipinag-utos ng Sandiganbayan 3rd division na ilipat na si Napoles sa female dormitory ng BJMP mula sa Fort Sto. Domingo.

Ayon kay Sindac, nag-iingat lamang sila dahil may kautusan din sa pulisya ang Makati RTC na nagsasabing dapat manatili sa kanilang kustodiya si Napoles.

Dahil dito, hihilingin ng PNP at BJMP na magkaroon ng koordinasyon ang dalawang hukuman upang magkaroon ng bago at malinaw na commitment order para sa pagkukulungan kay Napoles.

Habang nakahanda ang kampo ni Napoles na tumalima sa direktiba, ngunit maghahain pa rin sila ng motion for reconsideration na sa Fort Sto. Domingo na lamang manatili ang kanilang kliyente dahil sa isyu ng seguridad.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *