Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ipis at daga sa dream

Hi po Señor H,

Call me Mherzy.. plz interpret 2ng dream ko about ipis at daga, kadiri kasi e, kaya ba ako nanagnip ng ganit2 ay dahil hate ko ang ipis at daga… takot kse ako sa knila at ayaw ko nakkkita ni2? Tnx hntay ko sagot mo s dyario niu, tnx n plz dont post my #!

To Mherzy,

Kapag nakakita ng ipis sa panaginip, ito ay sumisimbolo sa karumihan o pagiging marumi. Nagre-represent din naman ito ng longevity, tenacity, and renewal. Kailangang ire-evaluate ang mahahalagang aspeto ng iyong buhay. Alternatively, ang ganitong klase ng bungang tulog ay nagpapakita ng hindi magagandang katangian na dapat mong harapin o bigyan pansin. Maaaring pun din naman ito hinggil sa paninigarilyo ng marijuana.

Ang daga naman ay may kaugnayan sa feelings of doubts, greed, guilt, unworthiness, at envy. Pilit mong itinatago ang isang bagay na labis na nagpapahirap sa iyo o kaya naman, may nagawa kang bagay na hindi mo ikinararangal. Alternatively, ang panaginip ukol sa daga ay may kaugnayan din sa repulsion, decay, dirtiness, and even death. Ang panaginip mo ay nagsa-suggest din ng iyong kawalan ng kakayahang harapin ang ilang unconscious issues or feelings. Kailangang mas malaman mo at kilalanin ang mga bagay na nararamdaman mo. Maaari rin namang kabilang sa mensahe ng panaginip mo ang paghahanap mo ng mga bagay na makapagpapaligaya sa iyo ng lubusan.

Posible rin naman na dahil ayaw mo sa ipis at daga at ikaw ay takot sa kanila, kaya sila lumabas sa iyong panaginip. Ang mga bagay kasing labis nating kinaiinisan o kinagigiliwan ay pangkaraniwan nang nakikintal sa ating isipan kahit hindi natin ito iniisip. Sa ganitong sitwasyon, mas malaki talaga ang posibilidad na mapanaginipan mo ang mga bagay na ito.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Love Kryzl

Love Kryzl at mga kapatid ipinagdiwang musika, negosyo, at tagumpay

PINAGSAMA ni Love Kryzl at mga kapatid nito ang musika, negosyo, at pagpapahalaga sa pamilya sa isang …

SM Waste-Free Future WFF

Take small steps for big change: SM Waste-Free Future illustrates doable actions for a cleaner, greener planet.

MANILA, Philippines – Becoming part of the solution toward better waste management practices has been …

POLPHIL Ric Serrano Danilo Lim Elmer Argano

Provincial rate ibasura
Pantay na sahod para sa pantay na trabaho isabansa – POLPHIL

IPINAHAYAG ng People’s Progressive Humanist Liberal Party (POLPHIL) ang buo at walang pasubaling suporta sa …

DOST 12 SOCCSKSARGEN iHubs

DOST Strengthens Regional Startup Ecosystem Through the Rollout of iHubs Across SOCCSKSARGEN

AS part of its continuing efforts to strengthen the startup ecosystem across the country, the …

NHMFC BYC

NHMFC advances blockchain initiative to bolster transparency and housing finance securitization

The state-run National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC) is taking a significant step toward strengthening …